Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, binalaan ng Obispo laban sa isinusulong na People’s Initiative

SHARE THE TRUTH

 19,827 total views

Hinimok ni Dipolog Bishop Severo Caermare ang mananampalataya lalo na ang kanyang nasasakupan na pairalin ang diwa ng pagiging tunay na kristiyano at Pilipino.

Ito ang mensahe ng obispo hinggil sa usaping pagsusulong ng pagpapalit ng konstitusyon sa pamamagitan ng People’s Initiative.

Ayon kay Bishop Caermare may mga ulat sa kanilang lalawigang nagsagawa ng signature campaign sa nasabing intensyon kapalit ang salapi upang lumagda ang mamamayan.

“Nanghinaut kami nga kita magiyahan ug mainampingon sa kaugmaon sa atong nasud pinaagi sa pagpakabana. Dili unta kita mahaylo sa salapi ug dili pud unta kita madali-dalion sa atong mga desisyon. Apan gikinahanglan nato nga aktibo nga partisipasyon ug diskusyon aron kita magiyahan ug makat-on,” bahagi ng pahayag ni Bishop Caermare.

Umaasa akong gabayan tayo at maging maingat sa kinabukasan ng ating bayan sa pamamagitan ng ating pagmamalasakit. Hindi sana natin ipagpalit sa pera at hindi sana tayo padalos-dalos sa ating mga desisyon. Kailangan natin ang aktibong pakikilahok at talakayan upang tayo ay magabayan at matuto.

Nanindigan ang obispo na hindi dapat madaliin ang pagpapalit ng Saligang Batas lalo’t ito ang gabay ng isang bansa.

Batid ni Bishop Caermare na ang kasalukuyang 1987 Consitution ay binalangkas ayon sa kapakinabangan at kapakanan ng mamamayan kaya’t hindi ito dapat madaliin sa halip ay magsagawa ng makatarungang konsultasyon sa lahat ng mamamayan sa bansa.

“Ang People’s Initiative nga dili gikan sa makinaadmanon nga pamalandong ug tinuod nga panginahanglan sa katawhan modala lamang sa pag-usab nga pabor sa mga pipila lamang,” ani ng obispo.

Ang People’s Initiative na hindi nakabatay sa matalinong pagninilay at tunay na pangangailangan ng tao ay hahantong lamang sa pagbibigay pabor sa iilan.

Una nang nilinaw ni law professor Attorney Jose Manuel Diokno na hindi maaring baguhin ang 1987 Philippine Constitution sa pamamagitan ng People’s Initiative sapagkat malinaw na isinasaad na tanging pag-amiyenda lamang sa mga probisyon ang maaring gawin sa nasabing hakbang.

Tiniyak ni Diokno ang maigting na pagbabantay sa mga ulat sa pagsasagawa ng People’s Initiative at ang pagkwestyon sa legalidad nito sa Korte Suprema sakaling makitaan ng paglabag sa Saligang Batas.

Bukod kay Bishop Caermare nanawagan din si Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo at Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa mamamayan na huwag lumagda sa People’s Initiative.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 45,190 total views

 45,190 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 77,185 total views

 77,185 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 121,977 total views

 121,977 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 145,165 total views

 145,165 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 160,564 total views

 160,564 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top