Maging buhay na saksi ng Diyos, hamon sa bagong Obispo ng Apostolic Vicariate of Tabuk

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,100 total reads

Hinimok ni Nueva Segovia Archbishop David William Antonio ang bagong obispo ng Apostolic Vicariate of Tabuk na maging buhay na saksi ng habag at pagmamahal ng Diyos sa kanyang paglilingkod bilang pastol ng Simbahan sa Kalinga at Apayao.

Sa kanyang homiliya sa Episcopal Ordination at Canonical Installation ni Bishop Sean Mejia bilang ikatlong obispo ng Tabuk, binigyang-diin ni Archbishop Antonio na higit kailanman ay nangangailangan ang Simbahan ng mga pinunong nagpapakita ng malasakit at awa ni Hesukristo.

“The Church does not need bishops who merely administer offices, establish structures, or maintain positions of authority. The Church needs bishops who reveal the merciful and compassionate face of Jesus Christ,” ayon kay Archbishop Antonio.

Paalala ng arsobispo na ang pagiging obispo ay hindi gantimpala sa kakayahan o tagumpay ng isang tao kundi isang biyayang nagmumula sa pag-ibig ng Diyos.

“You are chosen because you are loved,” ani Archbishop Antonio.

Binigyang-diin din ng arsobispo na mahalaga ang pagiging mapagkumbaba, mahinahon at mahabagin ng isang obispo upang higit na mailapit ang mga mananampalataya sa Panginoon.

“People long to encounter a shepherd who listens before judging, who accompanies before condemning, and who heals before criticizing,” dagdag pa ni Archbishop Antonio.

Ayon kay Archbishop Antonio, ang misyon ng bagong obispo ay pagbuklurin ang mga pamayanan, palakasin ang pananampalataya, pangalagaan ang dignidad ng tao, at mailakbay sa mga katutubo, mahihirap at mga nasa laylayan ng lipunan.

Samantala, sa kanyang mensahe matapos ang ordinasyon, nagpasalamat si Bishop Mejia sa lahat ng nakiisa at nagdasal para sa kanya sa pagsisimula ng kanyang gawaing pagpapastol sa bikaryato.

“As I begin my ministry as the Third Apostolic Vicar of Tabuk, I entrust myself and our Apostolic Vicariate to the Lord, whose faithful love has guided me throughout my life,” ani Bishop Mejia.

Paliwanag ng obispo na ang kanyang episcopal motto na “Eternal is His Merciful Love” ay sumasalamin sa walang-hanggang awa at pagmamahal ng Diyos sa kanyang bayan.

“My episcopal motto, ‘Eternal is His Merciful Love,’ is not only a personal testimony but also a reminder for all of us that God’s mercy endures forever,” paliwanag ng obispo.

Hiniling din ni Bishop Mejia ang patuloy na panalangin at pakikiisa ng mga mananampalataya sa misyon ng Simbahan.

“I humbly ask for your continued prayers as we walk together in faith, united in our mission of proclaiming the Gospel and witnessing to God’s merciful love,” aniya.

Si Bishop Mejia ang humalili kay Bishop Prudencio Andaya Jr., CICM, nang ilipat ito sa Diocese of Cabanatuan noong 2024, matapos ang mahigit dalawang dekadang pagpapastol sa Tabuk.

Magiging katuwang ni Bishop Mejia sa pagpapastol sa halos kalahating milyong Katoliko ang 35 na pari, at tiniyak ang pagpapatuloy ng misyon ng ebanghelisasyon sa mga lalawigan ng Kalinga at Apayao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 35,664 total reads

 35,664 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 86,189 total reads

 86,189 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 134,060 total reads

 134,060 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 238,008 total reads

 238,008 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 322,296 total reads

 322,296 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top