Bayanihan, tema ng PCNE 10

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 319,657 total reads

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) sa University of Santo Tomas.

Tema ng PCNE 10 ang paggunita sa unang dekada ng gawain ang ‘Salya: Let us cross to the other side’ na hango sa ebanghelyo ni San Marcos kabanata apat talata 35.

Sa homiliya, hinikayat ni Cardinal Advincula ang mananampalataya na makiisa sa panawagan ng Panginoon nang pagtawid para sa kapwa, tungo sa pagbabago at pagtagumpayan ang hindi pagkakasundo-sundo.

“Inaanyayahan tayo ni Hesus na magtraslacion, magtraslacion tayo, tumawid tayo sa ibayo, tumawid tayo kasama si Hesus patuungo sa kapwa. Let us cross over, let us go beyond.” bahagi ng homiliya ni Cardinal Advincula.

Dagdag pa ng Cardinal, “Ang pagsalya ay kilos ng pagkakaisa, pagdadamayan, pagbubukluran. Si Hesus ang tumitipon sa atin upang makausad sa traslacion (cross over/pagtawid/pagpapaibayo) at makasulong sa buhay.”

Ang salitang ‘Salya’ ay karaniwang ginagamit ng mga deboto sa traslacion ng Nuestro Padre Hesus Nazareno na nangangahulugan ng bayanihan, at sama-samang pagkilos ng naayon tungo sa iisang layunin.

Pinangunahan naman ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang pambungad na talumpati ang hudyat nang pagsisimula ng three-day conference.

Tampok din sa unang araw ng PCNE ang keynote address ni Vatican Secretary General of the Synod of Bishops Cardinal Mario Grech sa paksang “Synodality—A synodal Church in Mission.”

Pinangunahan naman ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, pro-prefect ng Dicastery for Evangelization ang Heart to Heart Talk kasama ang delegasyon ng Pilipinas sa first monthlong session ng Synod on Synodality sa Vatican noong October 2023.

Kabilang sa mga Pilipinong delegado sa Synod on Synodality sina Cardinal Advincula; CBCP President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David; CBCP Vice President Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, at ang lay theologian na si Dr. Estela Padilla.

Taong 2013 nang unang isinagawa ang PCNE ni Cardinal Tagle na noo’y ang arsobispo ng arkidiyosesis bilang tugon sa panawagang New Evangelization ng simbahang katolika.

With Marian Navales-Pulgo & Reyn Letran-Ibañez

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 46,686 total reads

 46,686 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 132,051 total reads

 132,051 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 178,787 total reads

 178,787 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 226,659 total reads

 226,659 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 328,386 total reads

 328,386 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 313,264 total reads

 313,264 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 419,362 total reads

 419,362 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top