Pagpapalaya sa political prisoners, patuloy na isinusulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 690 total reads

Patuloy na isusulong ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang pagpapalaya sa mga political prisoners na hindi pa rin pinapalaya ng pamahalaan.

Ayon kay Atty. Edre Olalia – Presidente ng National Union of People’s Lawyers at legal consultant ng NDFP Peace Panel, hangga’t hindi natutupad ng pamahalaan ang mga pangako nito sa NDFP partikular na sa mga bilanggong pulitikal ay hindi bibitawan ng NDFP ang pagsusulong ng amnestiya sa mga political prisoners.

“Hangga’t hindi napapalaya yung mga bilanggong pulitikal at hangga’t hindi napapatupad yung kanilang pangako, tinutulak pa rin natin yung amnestiya at habang itinutulak yung pagpapalaya ng mga bilanggong pulitikal ay nagpupulong na yung mga kumite o mga grupo ng magkabilang panig na hiwalay muna para mag-draft ng mga burador o mga draft agreement ng mga agenda na nakasakalang, so yun yung estado ngayon…” ang bahagi ng pahayag ni Atty. Olalia sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nga nito, batay sa huling tala ng Karapatan (Alliance for the Advancement of People’s Rights) noong ika-31 ng Mayo, sa 509 na political prisoners, 18 sa mga ito ang naitalang mga peace consultants ang NDFP.

Samantala, matapos ang unang dalawang round ng peace talks na isinagawa ng Oslo, Norway noong nakalipas na taon ay nakatakda namang isagawa ang ikatlong round ng usapang pangkapayapaan mula ika-19 hanggang 25 ng Enero sa Roma, Italya.

Ito ay matapos ang nasa 15-taong pagkakaunsyami ng usapang pangkapayapaan sa ilalim ng Administrasyong Arroyo at Aquino.

Una ng binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pagsusulong sa pagkakaisa at kapayapaan ay isa sa pangunahing misyon ng Simbahang Katolika na matiyak ang kapakanan at kabutihan ng sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 73,884 total reads

 73,884 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 152,375 total reads

 152,375 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 185,823 total reads

 185,823 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 221,120 total reads

 221,120 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 444,650 total reads

 444,650 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top