Drug Rehab Centers ng simbahan, kabilang sa mga dadalawin ng WACOM4 delegates

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 433 total reads

Malaking pagkakataon ang 15 places of mercy upang masaksihan ng lahat ng mga bumabatikos sa Simbahan na hindi lamang ito puro salita kundi may ginagawa para sa tao.

Ayon kay Diocese of Malolos, Bulacan Social Communications Ministry Director Rev. Fr. Nick Lalog, ang Simbahan ay mula’t sa mula ay palagi ng nangangalaga sa buhay sapagkat ito ay kaloob ng Diyos.

Iginiit pa ni Fr. Lalog na bahagi ito ng pagtugon ng Simbahan sa panawagan ni Hesus na pagmimisyon sa mga dukha at nangangailangan.

Patunay lamang aniya ang 15 places of mercy na pinuntahan ng halos tatlong libong foreign delegates ng 4th World Apostolic Congress kasama ang iba pang gawaing apostolado ng Simbahan.

Binanggit rin ni Fr. Lalog ang Galilee Homes sa Dona Remedios Trinida sa Sta. Monica Prish sa Angat, Bulacan na nangangalaga sa mga biktima ng ipinagbabawal na gamot.

“Ang Simbahan magandang malaman ng mga tao hindi lamang ng mga foreign delegates kundi ng lahat at lalahatin ko na hindi lang dito sa Diocese of Malolos kundi sa lahat ng diyosesis sa buong Pilipinas. Ang Simbahan ever since palaging nangangalaga sa buhay sapagkat ito ay bigay sa atin na misyon ng ating Panginoong Hesukristo. Ang sabi niya sa ebanghelyo si Hesus ay naparito hindi upang mawalan kundi magkaroon ng buhay ang lahat ng tao. Kaya ito ay isang konkreto at practical application ng Divine Mercy kaya sila nagpunta sa 15 places of Mercy para masaksihan at maranasan nila ano ba yung ginagawa ng mga pari, mga madre at mga volunteers na nasa marginalize,” bahagi ng pahayag ni Fr. Lalog sa panayam ng Radyo Veritas.

Sa mga naunang pahayag, una nang binanggit ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr., na ang dakilang habag ng Panginoon ay walang hanggan na iniaalok sa lahat ng tao kabilang na ang mga nagkasala.

Giit ng Obispo, maging ang mga ito pa ay tinatawag na salot sa lipunan o ang mga nalulong sa ilegal na droga.

Dagdag pa ni Bishop Bacani ito ang naipagkait sa mga biktima nang pagpaslang na inuugnay sa droga–ang pagkakataon para makapagbago at magsisi sa kanilang kasalanan.

Base sa datos ng Philippine National Police, tinatayang may higit na sa anim na libo ang napapaslang dahil sa ‘drug war’ kabilang na dito ang tinatawag na ‘death under investigation’.

Patuloy naman ang panawagan ng simbahan laban sa pagpaslang habang patuloy din ang pakikipagtulungan sa pamahalaan para sa rehabilitasyon ng mga lulong sa droga sa pamamagitan ng pagbibigay ng paghuhubog at masisilungan para sa mga biktima ng droga.

Kabilang na dito ang Sanlakbay ng Caritas Restorative Justice Ministry ng Archdiocese of Manila-isang church based rehabilitation program sa mga simbahan katuwang ang mga institusyon ng simbahan, local na pamahalaan, Department of Health at Department of the Interior and Local Government.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 71,544 total reads

 71,544 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 150,103 total reads

 150,103 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 183,551 total reads

 183,551 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 218,848 total reads

 218,848 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 442,465 total reads

 442,465 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 298,161 total reads

 298,161 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 409,092 total reads

 409,092 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top