Pagpapalaya sa political prisoners, patuloy na isinusulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 646 total reads

Patuloy na isusulong ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang pagpapalaya sa mga political prisoners na hindi pa rin pinapalaya ng pamahalaan.

Ayon kay Atty. Edre Olalia – Presidente ng National Union of People’s Lawyers at legal consultant ng NDFP Peace Panel, hangga’t hindi natutupad ng pamahalaan ang mga pangako nito sa NDFP partikular na sa mga bilanggong pulitikal ay hindi bibitawan ng NDFP ang pagsusulong ng amnestiya sa mga political prisoners.

“Hangga’t hindi napapalaya yung mga bilanggong pulitikal at hangga’t hindi napapatupad yung kanilang pangako, tinutulak pa rin natin yung amnestiya at habang itinutulak yung pagpapalaya ng mga bilanggong pulitikal ay nagpupulong na yung mga kumite o mga grupo ng magkabilang panig na hiwalay muna para mag-draft ng mga burador o mga draft agreement ng mga agenda na nakasakalang, so yun yung estado ngayon…” ang bahagi ng pahayag ni Atty. Olalia sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nga nito, batay sa huling tala ng Karapatan (Alliance for the Advancement of People’s Rights) noong ika-31 ng Mayo, sa 509 na political prisoners, 18 sa mga ito ang naitalang mga peace consultants ang NDFP.

Samantala, matapos ang unang dalawang round ng peace talks na isinagawa ng Oslo, Norway noong nakalipas na taon ay nakatakda namang isagawa ang ikatlong round ng usapang pangkapayapaan mula ika-19 hanggang 25 ng Enero sa Roma, Italya.

Ito ay matapos ang nasa 15-taong pagkakaunsyami ng usapang pangkapayapaan sa ilalim ng Administrasyong Arroyo at Aquino.

Una ng binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pagsusulong sa pagkakaisa at kapayapaan ay isa sa pangunahing misyon ng Simbahang Katolika na matiyak ang kapakanan at kabutihan ng sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 17,121 total reads

 17,121 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 51,616 total reads

 51,616 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 88,098 total reads

 88,098 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 106,310 total reads

 106,310 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 189,755 total reads

 189,755 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top