Online work at kababaihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 162,735 total views

Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na magkaroon ng flexible na oras sa para sa trabaho at kanilang mga responsibilidad sa tahanan.

Dahil dito, dumarami na nga kapanalig, ang mga female online workers sa bansa. Ayon sa isang pag-aaral, mga 62% ng online workers sa ating bansa ay mga babae. Marami ang na-eengganyo dito dahil maliban sa flexibility, marami pa itong benepisyo sa kanila.

Isa na dito ay ang pagkakaroon ng mas malawak na oportunidad sa trabaho. Hindi na limitado ang kanilang pagpili ng trabaho base sa lokasyon. Hindi na rin sila limitado sa oras. Kung dati, 8 to 5 lamang ang opsyon, ngayon, kahit anong oras, umaga man o gabi, pwede na. Maaari rin silang magtrabaho sa kahit anong kumpanya sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas o maging sa ibang bansa.

Bukod dito, ang online work ay nagbibigay din ng pagkakataon sa mga kababaihan na maging mas independent at magkaroon ng kontrol sa kanilang oras. Dahil sa flexible na oras ng trabaho, mas madali para sa kanila na ma-manage ang kanilang oras at magawa ang iba pang mga bagay na mahalaga sa kanilang buhay. May pagkakataon pa silang mag upskill at maghanap pa ng ibang kasanayan.

Sa online work, mas napapalapit din ang mga kababaihan sa larangan ng teknolohiya. Dahil kailangan ng internet at computer literacy sa online work, mas nagiging proficient sila sa paggamit ng mga teknolohiya na maaari rin nilang magamit sa iba pang larangan.

Ang daming bentahe nito para sa mamamayan, lalo na sa kababaihan, pero may mga aspeto dito na dapat ding pag-ingatan. Unregulated pa ang online work sa bansa, at marami sa mga manggagawa dito ay bitin sa social protection pati na rin sa tenure at stability. De-kontrata din sila dito, kaya’ karaniwan pag endo na, hanap na naman ng iba, Ang mga benepisyo gaya ng health benefits, dental, o minsan kahit leaves, wala rin. Ilan lamang ito sa mga isyung nakapaligid sa online work na dapat tutukan. Kapag hindi kasi nabalanse ito, ang oportunidad na dala ng online work ay hindi natin mao-optime at maximize. Lugi din ang manggagawa dito. Sabi nga sa Rerum Novarum: Among the most important duties of employers, the principal one is to give all workers what is justly due them.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 4,916 total views

 4,916 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 28,068 total views

 28,068 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 98,180 total views

 98,180 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 172,794 total views

 172,794 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 252,569 total views

 252,569 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NASAAN ANG SIMBAHAN

 4,917 total views

 4,917 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 28,069 total views

 28,069 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 98,181 total views

 98,181 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 172,795 total views

 172,795 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »
Scroll to Top