America first, nirerespeto ng Malacanang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 637 total reads

Nagpahayag ng paggalang at respeto ang Malacanang sa naging pahayag ni President Donald Trump na “America First” bilang prayoridad ng kanyang administrasyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, katanggap-tanggap ang naturang pahayag ng bagong Pangulo ng Amerika para sa pagsisimula ng kanyang panunungkulan.

Paliwanag ni Abella, natural lamang na gawing prayoridad ng isang bagong pinuno ng bansa ang pangangalaga, pagsasaayos at pagpapaunlad ng kanyang sariling bayan bago ang kapakanan ng iba.

Ito rin ayon sa Kalihim ang pangunahing isinusulong ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang unang pitong buwan sa panunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas.

“We respect the “AMERICA FIRST” pronouncement ‎of President Trump as defining the first principles of his administration. In like manner national interest is the primary consideration that guides President Rodrigo Duterte. His pursuit of peace and order is the bedrock of economic inclusivity and self-sufficiency. ” pahayag ni Abella.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Abella ang patuloy na pagpapatatag sa pakikipag-ugnayan ng Pilipinas at Amerika para na rin sa common good o kabutihan ng mas nakararami.

Sa kasalukuyan batay sa datos tinatayang nasa 4.7-bilyong dolyar ang US direct investments ng Estados Unidos sa Pilipinas, habang tinatayang aabot naman sa 1.8-milyon ang bilang ng mga Filipino Immigrants sa America.

“Still, we recognize the indispensable need to strengthen relations with allied nations as our progress, prosperity and national well-being rely on such harmonious partnerships. The community of nations prosper as each one seeks its common good, and when it comes together to support the well-being of our common humanity.” Dagdag ni Abella.

Magugunitang una na ring nanawagan sa pamahalaan ang CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na palagiang ikonsidera at tiyakin ng pamahalaan ang kapakanan ng mga Filipino sa lahat ng mga desisyon nito sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang mga bansa.

Ika-20 ng Enero ng pormal na manumpa sa katungkulan ni Trump bilang ika-45 Pangulo ng Estados Unidos kapalit ni Former US President Barack Obama.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 35,428 total reads

 35,428 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 73,236 total reads

 73,236 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 108,535 total reads

 108,535 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 334,805 total reads

 334,805 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 225,976 total reads

 225,976 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top