Simbahan, kaisa ng gobyerno para labanan ang iligal na droga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 405 total views

Nilinaw ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity na matagal ng nakikiisa ang Simbahang Katolika upang labanan ang iligal na droga.

Ito ang tiniyak ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng komisyon kaugnay sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang ginagawa ang Simbahan ukol sa pagdami ng bilang ng mga nalululong sa ipinagbabawal na gamot.

Inihayag ni Bishop Pabillo na suportado ng Simbahan ang kampanya kontra iligal na droga ngunit tumututol ito sa walang habas na extrajudicial killing sa bansa.

Nanindigan si Bishop Pabillo na nakahandang makipagtulungan ang Simbahan sa pamahalaan para sa pag – rehabilitate ng mga drug users at pushers lalo’t marami na ring diyosesis ang naglulunsad ng mga community based rehab centers.

“Ang aming binabatikos ay hindi yung kampanya laban sa droga. Ang aming binabatikos ang pagpapatay na walang judicial process na iyan ay masama. Magtutulungan tayo para ma – rehabilitate lalo’t marami namang programa ang mga dioceses para ma – rehabilitate pero huwag papatayin.”pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Veritas Patrol.

Pinayuhan rin ni Bishop Pabillo si Pangulong Duterte na huwag nitong mamasamain ang pagpapahayag ng Simbahan sa kahalagahan ng buhay dahil hindi naman ito patungkol sa kanya kundi sa pamamaraan ng pagpaslang sa mga drug dependents.

“Huwag niya (Pangulong Duterte) sanang tingnan na ang aming kampanya ay hindi laban sa kanya kundi laban sa pamamaraan ng pagpatay na alam natin ay mali. Labanan natin ang droga sa maayos na paraan.” paglilinaw pa ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radyo Veritas.

Nabatid na sa loob lamang ng pitong buwan nakapagtala na ng 6,700 ang napapatay sa kampanya kontra iligal na droga na hindi man lamang nadadaan sa due process of law.

Magugunita na sa Diocese of Malolos, Bulacan sa loob ng halos 27 taon, ang Galilee Home sa Dona Remedios Trinidad ay kumukupkop sa 25 drug addicts, 25 pang ibang mga bata at matatanda.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 103,785 total views

 103,785 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 228,196 total views

 228,196 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 268,568 total views

 268,568 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 342,919 total views

 342,919 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 54,878 total views

 54,878 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 257,230 total views

 257,230 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top