SABADO, MARSO 2, 2024

SHARE THE TRUTH

 12,605 total views

Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Mikas 7, 14-15. 18-20
Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Lucas 15, 1-3. 11-32

Saturday of the Second Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Mikas 7, 14-15. 18-20

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Mikas

Patnubayan mo ang iyong bayan, Panginoon, ang bayan na iyong hinirang. Nag-iisa siya sa gitna ng matabang lupain. Bayaan mo silang manirahan sa magandang pastulan ng Basan at Galaad.

Magpakita ka sa amin ng mga kababalaghan tulad noong ilabas mo sa Egipto ang iyong bayan. Wala nang ibang Diyos na tulad mo. Pinatatawad mo ang mga kasalanan ng nalabi sa bayan mong hinirang. Hindi ka nagkikimkim ng galit. Sa halip ay pinadarama mo sa kanila ang tapat mong pagmamahal. Muli kang mahahabag sa amin, lilimutin mo ang mga pagkakasala namin at ihahagis sa kalaliman ng dagat. Ipamamalas mo ang iyong katapatan sa Israel at ang walang maliw na pag-ibig sa angkan ni Abraham, gaya ng iyong ipinangako sa aming mga magulang mula pa nang unang panahon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Panginoo’y papurihan, purihin mo, kaluluwa,
ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina.
Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan,
at huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Ang lahat kong kasalana’y siya ang nagpapatawad,
ang anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat.
Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas,
at pinagpapala ako sa pag-ibig niya’t habag.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Banayad nga kung magalit, hindi siya nagtatanim;
yaong taglay niyang galit, hindi niya kinikimkim.
Kung siya ay magparusa, di katumbas ng pagsuway;
di natayo siningil sa nagawang kasalanan.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Ang agwat ng lupa’t langit, sukatin ma’y hindi kaya,
gayon ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya.
Ang silangan at kanluran kung gaano ang distansya
gayung-gayon ang pagtingin sa sinumang nagkasala.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Lucas 15, 18

Babalik ako sa ama,
at aamunin ko siya,
sasabihin ko sa kanya:
“Ako po ay nagkasala
sa D’yos at sa ‘yong pagsinta.”

MABUTING BALITA
Lucas 15, 1-3. 11-32

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, ang mga publikano at ang mga makasalanan ay nagsisilapit upang makinig kay Hesus. Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at ang mga eskriba. Ang sabi nila: “Ang taong ito’y nakikisalamuha sa mga makasalanan at nakikisalo sa kanila.” Kaya’t sinabi sa kanila ni Hesus ang talinghagang ito:

“Isang tao ang may dalawang anak na lalaki. Ang wika ng bunso, ‘Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.’ At binahagi sa kanila ng ama ang kanyang ari-arian. Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang kanyang ari-arian at nagtungo sa malayong lupain, taglay ang buo niyang kayamanan, at doo’y nilustay na lahat sa di wastong pamumuhay. Nang malustay na niya ang kanyang kayamanan, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing yaon, at nagdalita siya. Kaya’t namasukan siya sa isang mamamayan ng lupaing yaon. Siya’y pinapunta nito sa bukid upang mag-alaga ng baboy. Ibig sana niyang punan ang kanyang pagkain kahit ng mga bungang-kahoy na ipinakakain sa mga baboy ngunit walang magbigay sa kanya. Nang mapag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, nasabi niya sa sarili, ‘Ang mga alila ng aking ama ay may sapat na pagkain – at lumalabis pa – samantalang ako’y namamatay ng gutom dito! Babalik ako sa kanya, at sasabihin ko, “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.”, At tumindig siya at pumaroon sa kanyang ama.

“Malayo pa’y natanawan na siya ng ama at ito’y labis na nahabag sa kanya, kaya’t patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinagkan. Sinabi ng anak, ‘Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak.’ Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, ‘Madali! Dalhin ninyo rito ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya. Suutan siya ng singsing at panyapak. Kunin ang pinatabang guya at patayain; kumain tayo at magsaya! Sapagkat namatay na ang anak kong ito; ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.’ At sila’y nagsaya.

“Nasa bukid noon ang anak na panganay. Umuwi siya, at nang malapit na sa bahay ay narinig niya ang tugtugan at sayawan. Tinawag niya ang isa sa mga alila at tinanong: ‘Bakit? May ano sa atin?’ ‘Dumating po ang inyong kapatid!’ tugon ng alila. ‘Ipinapatay ng inyong ama ang pinatabang guya, sapagkat nagbalik siyang buhay at walang sakit.’ Nagalit ang panganay at ayaw itong pumasok sa bahay. Kaya’t lumabas ang kanyang ama at inamu-amo siya. Ngunit sinabi nito, ‘Pinaglingkuran ko po kayo sa loob ng maraming taon, at kailanma’y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa’y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang bisirong kambing para magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan. Subalit nang dumating ang anak ninyong lumustay ng inyong kabuhayan sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo ng pinatabang guya!’ Sumagot ang ama, ‘Anak, lagi kitang kapiling. Ang lahat ng ari-arian ko’y sa iyo. Ngunit dapat tayong magsaya at magalak, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Kuwaresma
Sabado

Ang Talinhaga ng Waldas na Anak ay nagpapahayag sa isang payak subalit malalim na paraan ng katotohanan ng pagbabagong-loob – ang nagagawa ng pag-ibig at habag sa ating mundo. Pinakikilos tayo nito upang agad na lumapit sa Ama sa panalangin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, ibaling Mo ang aming mga puso sa Iyo.

Sa paggabay ng Santo Papa at ng mga obispo, tuwina ay malugod na tanggapin nawa ng ating kaparian ang mga nagsisisi at naghahangad na makipagkasundo sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Tulad ng waldas na ama nawa’y maging bukas-palad tayo sa pagpapatawad sa mga nakasakit o bumigo sa amin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kasapi ng pamilya na may alitan sa isa’t isa nawa’y mas piliin ang magpatawad at makipagkasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga makasalanan nawa’y mapukaw ang loob na magsisi at hingin ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa Sakramento ng Kumpisal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makarating sa kanialng walang hanggang tahanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos na makapangyarihan, malugod mo nawang tanggapin ang mga panalangin ng mga makasalanang matapat na nagbabalik sa iyong pag-ibig at habag na hindi nagmamaliw. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 3,295 total views

 3,295 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 8,713 total views

 8,713 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 15,420 total views

 15,420 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 30,220 total views

 30,220 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 36,376 total views

 36,376 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

Related Story

BIYERNES, MAYO 10, 2024

 291 total views

 291 total views Biyernes sa Ika-6 ng Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Juan ng Avila, Pari at Pantas ng Simbahan Mga Gawa 18, 9-18 Salmo 46, 2-3. 4-5. 6-7 Hari ng sangkalupaan D’yos na Makapangyarihan. Juan 16, 20-23a Friday of the Sixth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. John of Avila,

Read More »

HUWEBES, MAYO 9, 2024

 557 total views

 557 total views Huwebes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 18, 1-8 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. Juan 16, 16-20 Thursday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 18, 1-8 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon,

Read More »

MIYERKULES, MAYO 8, 2024

 161 total views

 161 total views Miyerkules sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 17, 15. 22 – 18, 1 Salmo 148, 1-2. 11-12ab. 12k-14a. 14bkd Ang kadakilaan ng D’yos sa lupa’t langit ay lubos. Juan 16, 12-15 Wednesday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 17, 15. 22 – 18, 1 Pagbasa

Read More »

MARTES, MAYO 7, 2024

 1,167 total views

 1,167 total views Martes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 22-34 Salmo 137, 1-2a. 2bk-3, 7k-8 Ligtas ako sa ‘yong piling, lakas ko’y sa ‘yo nanggaling. Juan 16, 5-11 Tuesday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 22-34 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong

Read More »

LUNES, MAYO 6, 2024

 1,514 total views

 1,514 total views Lunes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 11-15 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5-6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Juan 15, 26 – 16, 4a Monday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 11-15 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga

Read More »

LINGGO, MAYO 5, 2024

 1,681 total views

 1,681 total views Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 10, 25-26. 34-35. 44-48 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. 1 Juan 4, 7-10 Juan 15, 9-17 Sixth Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 10, 25-26. 34-35. 44-48 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Read More »

SABADO, MAYO 4, 2024

 1,623 total views

 1,623 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 1-10 Salmo 99, 2. 3. 5 Purihin ng lahat ang D’yos, parangalan s’yang malugod. Juan 15, 18-21 Saturday of the Fifth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 1-10 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

BIYERNES, MAYO 3, 2024

 1,506 total views

 1,506 total views Kapistahan nina Apostol San Felipe at Santiago 1 Corinto 15, 1-8 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig. Juan 14, 6-14 Feast of Saints Philip and James, Apostles (Red) UNANG PAGBASA 1 Corinto 15, 1-8 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto At ngayo’y

Read More »

HUWEBES, MAYO 2, 2024

 1,262 total views

 1,262 total views Paggunita kay San Atanasio, obispo at pantas ng Simbahan Mga Gawa 15, 7-21 Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 10 Sa lahat ay pinahayag gawa ng Poong nagligtas. Juan 15, 9-11 Memorial of St. Athanasius, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay UNANG PAGBASA

Read More »

MIYERKULES, MAYO 1, 2024

 1,128 total views

 1,128 total views Paggunita kay San Jose, manggagawa Genesis 1, 26 – 2, 3 o kaya Colosas 3, 14-15. 17. 23-24 Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14 at 16 Poon kami’y pagpalain at iyong pagtagumpayin. Mateo 13, 54-58 Memorial of Saint Joseph the Worker (White) UNANG PAGBASA Genesis 1, 26 – 2, 3 Pagbasa mula sa aklat ng

Read More »

MARTES, ABRIL 30, 2024

 3,131 total views

 3,131 total views Martes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, Papa Mga Gawa 14, 19-28 Salmo 114, 10-11. 12-13ab. 21 Talastas ng mga tao, dakilang paghahari mo. Juan 14, 27-31a Tuesday of Fifth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. Pius V, Pope (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 14, 19-28

Read More »

LUNES, ABRIL 29, 2024

 3,350 total views

 3,350 total views Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 14, 5-18 Salmo 113 B, 1-2. 3-4. 15-16 Dapat nating papurihan ang pangalan ng Maykapal. Juan 14, 21-26 Memorial of St. Catherine of Siena, Virgin and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes sa Ika-5 Linggo ng Pasko

Read More »

LINGGO, ABRIL 28, 2024

 3,624 total views

 3,624 total views Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 9, 26-31 Salmo 21, 26b-27. 28 at 30. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. 1 Juan 3, 18-24 Juan 15, 1-8 Fifth Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 26-31 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol Noong mga araw

Read More »

SABADO, ABRIL 27, 2024

 3,917 total views

 3,917 total views Sabado sa Ika-4 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 44-52 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas. Juan 14, 7-14 Saturday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 44-52 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Apostol Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos

Read More »

BIYERNES, ABRIL 26, 2024

 4,595 total views

 4,595 total views Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 26-33 Salmo 2, 6-7. 8-9. 10-11 Anak ng Diyos kailanman sa simula pa sumilang. Juan 14, 1-6 Friday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 26-33 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw

Read More »
Scroll to Top