Katarungan para kay Jemboy

SHARE THE TRUTH

 161,780 total views

Mga Kapanalig, patuloy na nanawagan ng katarungan ang pamilya ni Jemboy Baltazar, ang 17 anyos na binatang taga-Navotas na binaril ng mga pulis noong Agosto ng nakaraang taon habang naghahanda siya at ang kanyang kaibigang pumalaot para mangisda. Napagkamalan daw sila ng mga pulis na suspek sa kaso ng pagnanakaw.

Noong isang linggo, inilabas ng Navotas Regional Trial Court (o RTC) Branch 286 ang desisyon nitong nagsasabing hindi murder ang kaso ng mga pulis. 

Sa anim na sumukong pulis, isa lang ang guilty sa kasong homicide na may parusang apat hanggang anim na taong pagkakakulong at danyos na limampung libong piso. Kung murder ang kaso, 20 hanggang 40 na taon ang ipapataw na parusa. Paliwanag ng korte, may mga kundisyon sa batas na nagsasabing hindi maituturing na murder ang nangyari. Halimbawa, binaril lamang daw ng akusado si Jemboy nang magtangkang tumakas ang binate. Ginawa rin lang daw ng pulis ang pamamaril bilang pagtupad sa kanyang tungkulin. Boluntaryo rin daw siyang sumuko bago pa ilabas ng korte ang warrant of arrest. 

Apat naman sa mga pulis ang napababa ang hatol matapos maging guilty sa kasong illegal discharge of firearms na may sintensyang apat na buwan na pagkakakakulong. Isa naman ang napawalang-sala. Sa madaling salita, walang nakita ang husgado na intent to kill o layuning tahasang patayin si Jemboy. Paglilinaw pa ng korte, makikita ito sa pagpapaputok ng mga pulis ng kanilang baril sa tubig lamang. 

Ikinalungkot ng pamilya ni Jemboy ang naging desisyon ng korte. Para sa kanyang nanay, parang pinatay ulit si Jemboy. Sadyang mailap daw ang hustisya para sa katulad nilang mahirap. Dagdag pa niya, kung naging maayos ang naunang imbestigasyon ng mga pulis sa bangkang pinangyarihan ng krimen, may mga basyo pa raw ng balang makikita at patunay ang mga itong target ng pamamaril ng mga pulis ang anak. 

Kinuwestyon naman ni Bishop Ambo David ng Diyosesis ng Kalookan, kung saan nakapaloob ang Navotas City, ang paliwanag na “no intention to kill” kaya iniba ang kaso ng mga akusado at pinagaan ang parusang ipinataw sa kanila. Para sa kanya, pinaputukan ng mga pulis ang binata sa kabila ng kawalan niya ng baril. Hinayaan din nila ang kanyang katawan na malubog sa ilog. Baka raw nabuhay pa si Jemboy kung naisalba siya mula sa pagkakalunod matapos barilin. Ayon naman kay Senadora Risa Hontiveros, bagamat mahalagang igalang ang desisyon ng korte, patunay ang kasong ito ni Jemboy na tumitindi ang kawalan na katarungan sa bansa kung saan tila madaling mapawalang-sala ang mga abusadong tagapagpatupad ng batas. 

Hinahamon tayong mga mananampalataya ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan na itaguyod ang katarungan sa ating lipunan. Ang katarungan ay pagbibigay ng naayon sa dignidad ng isang nilikha ng Diyos. Ibig sabihin, kaakibat ng pagsusulong ng katarungan ang pagsigurong iginagalang ang karapatan ng bawat isa at nakakamit ng lahat ang kaganapan ng buhay. Dahil dito, wala dapat basta-bastang pinapatay at sa mga pagkakataong mayroon, dapat pinapanagot ang mga maysala.  

Kaya naman, kung “padadaluyin [natin] ang katarungan gaya ng isang ilog”, ayon nga sa Amos 5:24, dapat tayong makilahok sa pagsusulong ng katarungan. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng patuloy na pagpuna sa pagpatay na gawa mismo ng mga dapat na nagpapatupad ng batas. Dapat ding papanagutin ang mga may kasalanan. Mahalaga ring nakikiisa at nakikiramay tayo sa pamilya ng mga biktima.  

Mga Kapanalig, ang kapayapaan ay bunga ng katarungan. Hangga’t nagpapatuloy ang kawalan ng katarungan sa lipunan, hindi natin makakamit ang kapayapaan. Ang tunay na kapayapaan ay nakaugat sa paggalang sa dignidad ng bawat tao. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 797 total views

 797 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 6,215 total views

 6,215 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 12,922 total views

 12,922 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 27,723 total views

 27,723 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 33,879 total views

 33,879 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 798 total views

 798 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 6,216 total views

 6,216 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 12,923 total views

 12,923 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 27,724 total views

 27,724 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 33,880 total views

 33,880 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 37,500 total views

 37,500 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 48,084 total views

 48,084 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 56,301 total views

 56,301 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 40,534 total views

 40,534 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 46,510 total views

 46,510 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 49,603 total views

 49,603 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 39,308 total views

 39,308 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 40,196 total views

 40,196 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 55,499 total views

 55,499 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 67,908 total views

 67,908 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top