Dalawandaang araw ng liwanag at anino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Mga Kapanalig, nakadalawandaang araw na ang administrasyong Duterte, at nananatiling mataas ang approval rating nito. Bilang Kristiyano, gamitin nating pamantayan sa pagsusuri sa administrasyon ang Ebanghelyo, at bahagi nito ang Catholic social teaching o CST. Maaari nating pagbatayan ang pagsusuring ginagawa ng NGO na John J. Carroll Institute on Church and Social Issues. Pinagbabatayan nila ang walong prinsipyo ng CST ayon sa Second Plenary Council of the Philippines. Tinawag nilang “Liwanag at Anino” ang kanilang pagsusuring inilalatag ang mga aninag ng liwanag at bahid ng karimlan sa administrasyon bilang gabay sa pakikitungo rito ng mga Kristiyano.

Ang unang prinsipyo ay ganap na kaunlarang nakabatay sa pantaong dangal at pagkakaisa.  Liwanag ang mga patakaran ng pamahalaang patuloy na nagpapalago sa ekonomiya.  Liwanag din ang ipinangangakong pagsugpo sa korapsyon, bagamat tila wala pang nagagawa tungkol rito bukod sa pagbabanta ng pangulong maglabas ng listahan ng mga tiwaling opisyal at ihulog ang mga ito mula sa helicopter. Ang ganitong uri ng pagpaparusa sa sinuman, gaano man kasamâ, ay hindi naaayon sa kaunlarang nakabatay sa pantaong dangal. Kapansin-pansin din ang pagpaparangal ng administrasyon sa isang diktador sa pagpayag na maihimlay ito sa Libingan ng mga Bayani.

Magkakahalintulad ang tatlong susunod na prinsipyo: pangkalahatang layunin ng mga bagay sa mundo; katarungang panlipunan at pag-ibig; at pag-ibig ng pagtatangi sa dukha.  Liwanag ang paghirang ng administrasyon sa mga opisyal na kumikiling sa mahihirap sa mga ahensyang tumutulong, nagpapaunlad, at nagbibigay katarungan sa kanila. Ngunit anino ang di-pagkakaisa ng mga taong ito at ng mga opisyal na kumukumpas sa patakarang pangkabuhayan.

Ang ikalimang prinsipyo ay tungkol sa halaga ng paggawa. Liwanag ang pangakong tutuldukan ang kontraktwalisasyong humahadlang sa pagkakaroon ng permanenteng trabaho ng maraming manggagawa. Noong Disyembre, naglabas ang DOLE ng kautusang naghihigpit sa regulasyon sa kontraktwalisasyon, ngunit maraming labor groups ang nagsabing nililimitahan lamang nito ang hindi patas na sistema ng pagbibigay ng trabaho sa mga tao.  

Ang ikaanim na prinsipyo ay karangalan ng sangnilikha. Liwanag ang pagpapaimbestiga at pagsuspindi ni Kalihim Gina Lopez ng DENR sa mga minahang lumalabag sa mga batas pangkalikasan. Ngunit anino ang patuloy na pagpapatayo ng mga coal-fired power plant na nakapagpaparumi sa kapaligiran. Anino rin ang pagbabali-baligtad ng paninindigan ng pangulo tungkol sa pagpirma sa Paris Agreement on Climate Change at sa pagbuhay sa peligrosong Bataan Nuclear Power Plant.

Ang ikapitong prinsipyo ay kapayapaan at aktibong pagtanggi sa karahasan. Liwanag ang pagpupursigi ng administrasyong makipagkasundo sa ilang armadong grupo: ang CPP-NPA-NDF, MILF, at MNLF. Liwanag din ang determinasyon nitong sugpuin ang krimen.  Mula Hulyo 2016, nadakip ang mahigit 45,000 pinagbibintangang drug pusher at user, at mahigit 700,000 na ang nagsisuko. Bumaba na rin daw ang insidente ng krimen, ngunit tumaas naman ang bilang ng pagpatay o murder. Mahigit 4,000 na ang iniuulat na pinatay ng diumano’y mga vigilante.  Samantala, mahigit 2,000 na ang napatay sa operasyon ng pulis. Labag sa prinsipyo ng pagtanggi sa karahasan ang walang patumanggang pagpatay (kung saan maraming inosente ang nadadamay) gayundin ang parusang kamatayan na itinutulak ng pamahalaan.

Ang huling prinsipyo ay pagbibigay-kapangyarihan sa taumbayan, at maraming bahid ng anino rito. Paulit-ulit na sinasambit ng pangulo ang pagdedeklara ng batas militar upang tugunan ang mga suliranin ng bayan. Paulit-ulit niyang sinisisi ang karapatang pantao bilang sagabal sa pagsasaayos ng lipunan. Pinahihina ng ganitong mga pahayag ang tiwala ng taumbayan sa mga demokratikong institusyong nagbibigay kapangyarihan sa kanila. Nagpapalaganap rin ito ng paniniwalang mainam ang diktadura kaysa demokrasya. Salamat sa ating Saligang Batas, mahirap isakatuparan ang banta ng batas militar, bagamat itinutulak ng pangulo ang pagbabago sa ating Konstitusyon.

Mga Kapanalig, sa inyong palagay, nakalalamáng ba ang liwanag kaysa anino sa administrasyong Duterte? Suportahan man natin ang liwanag, hindi dapat ipagsawalang-bahala ang anino. Tungkulin nating tumutol kapag nagkukulang ang pamahalaan sa pagtataguyod ng lipunang maka-Diyos at makatao.  

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »
Scroll to Top