200 total views
Nanindigan si Environment Secretary Gina Lopez na hindi nito papayagang maitayo ang Nickelodeon Underwater Theme Park sa Coron Palawan.
Ayon kay Lopez, kung magdudulot ng pagkasira sa mga corals ang theme park ay tiyak na hindi ito pahihintulutan ng Department of Environment and Natural Resources.
Aniya, mahalagang salik ng marine biodiversity ang mga corals dahil ito ang nagiging breeding ground ng iba’t ibang uri ng isda sa Palawan.
Dagdag pa ni Lopez, ang Pilipinas ay mayaman sa mga endemic species at dito rin matatagpuan ang nangungunang Island Destination sa buong mundo kaya naman hindi nito hahayaang masira ang kalikasan o samsamin ng mayayamang negosyante ang dapat na pinakikinabangan ng bawat Filipino.
“I will never allow our biodiversity to be killed for money that some people want to make. The Philippines is a country of seven thousand islands, which has the highest endemism per unit area in the entire world, while Palawan is the number one island destination in the planet. It has rich biodiversity and lots of ecotourism potentials that should be primarily tapped by the Filipino people for the Filipino people.” Bahagi ng pahayag ni Lopez.
Nilinaw naman ng Viacom International Media Network, may ari ng Nickelodeon, na sa ibabaw ng lupa at hindi sa ilalim ng dagat itatayo ang theme Park.
Una nang inihayag ni Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Palawan Bishop Pedro Arigo ang mariin nitong pagtutol dahil aniya, hindi na kailangan pang galawin ng tao ang Palawan na tinaguriang the Last Frontier.