Pagkakataon upang patatagin ang pamilya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 567 total reads

Mga Kapanalig, bago pa man pumasok ang taóng 2017, sinabi na ng Department of Health o DOH ang plano nitong mamigay ng libreng condom sa mga mag-aaral sa senior high school. Paraan daw ito upang maiiwas ang mga kabataan sa HIV-AIDS at maagang pagbubuntis. Umani ang planong ito ng iba’t ibang reaksyon, ngunit walang naganap na maayos at matalinong debate upang suriin at linawin ang hakbang na ito ng kagawaran.

At mukhang wala nang makapipigil pa sa DOH dahil noong nakaraang linggo, pinirmahan ni Pangulong Duterte ang isang executive order na layuning palakasin ang pagpapapatupad ng Responsible Parenthood and Reproductive Health Act o RPRH Law. Ang buong pamagat ng EO ay “Attaining and Sustaining Zero Unmet Need for Modern Family Planning Services through the Strict Implementation of the RPRH Act.” Inilabas ang kautusan sa kabila ng umiiral pa ring temporary restraining order na inilabas ng Korte Suprema sa ilang probisyon ng batas, partikular na ang pagbibigay ng mga contraceptive implants.

Paliwanag ng pinuno ng National Economic and Development Authority o NEDA na si Kalihim Ernesto Pernia, istratehiya ito ng pamahalaan upang maabot ang target na 14 percent poverty incidence bago matapos ang termino ng pangulo. Sasabayan umano ito ng pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa upang makalikha ng mas maraming trabaho.

Maraming magkakaibang pananaw tungkol sa pagpapaigting ng pamahalaan ng patakaran nito patungkol sa pangangasiwa ng lumalaking populasyon ng ating bansa. Sa isang banda, maraming kababaihan ang nalalagay sa alanganin ang buhay dahil sa kumplikasyon sa pagdadalang-tao at maagang pagbubuntis, at ang nakikita ngang paraan ay ang pagbibigay sa kanila ng mga serbisyong makatutulong sa kanilang pangalagaan ang kanilang katawan. Sa kabilang banda naman, may mga nangangamba sa mas malalim na epekto ng pamamaraan at sa bitbit na mensahe ng pagpapalaganap ng modernong paraan ng pagpaplano ng pamilya, gaya na lamang ng pamimigay ng condom sa mga estudyante sa senior high school.

Mga Kapanalig, patuloy po nating subaybayan ang mga susunod na hakbang ng ating pamahalaan. Bantayan at pag-aralan natin ang bubuuing guidelines ng DOH at DepEd para sa isasagawa nilang sex education kasabay ng pamamahagi ng libreng condom. Habang may mga sektor at grupong masigasig na bubusisiin ang mga patakaran ng pamahalaan, huwag nating kalimutang malaking bahagi ng pagkatao ng mga kabataan ay hinuhubog sa ating mga tahanan. Ang kanilang pananaw tungkol sa pakikipag-relasyon at sekswalidad ay nakaugat sa kung paano sila pinalaki at ginabayan ng kanilang mga magulang at sa kung anu-anong kaisipan sila namulat habang sila ay lumalaki. Kaya’t ang isyu tungkol sa pamimigay ng libreng condom ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon upang balikan ang ating mga pamilya at intindihin kung nasaan ang ating mga anak ngayon.

Ipinapaalala sa atin ni Pope Francis, sa pamamagitan ng post-synodal apostolic exhortation na Amoris Laetitia, ang mahalagang tungkulin at bokasyon ng mga magulang. Aniya, malaki ang papel na ginagampanan ng mga magulang sa paghubog ng pagkatao ng kanilang mga anak—maaaring para sa kanilang ikabubuti, maaari rin namang para sa kanilang ikasasama. Sa madaling salita, lalakíng responsable ang mga bata kung responsable ang kanilang mga magulang. Mapapahamak ang mga bata kung walang pakialam sa kanila ang kanilang mga magulang.

Sa mga Kapanalig nating mga magulang, kumusta na po ba ang relasyon ninyo sa inyong mga anak? Anong uri ng ugnayan ang kanilang nabubuo sa kanilang mga kaibigan? Paano itinuturing ng inyong mga anak na lalaki ang mga kaedad nilang babae? Paano pakitunguhan ng inyong mga anak na babae ang mga kakilala nilang lalaki? Paano ninyo naiimpluwensyahan ang kanilang pananaw sa pakikipag-relasyon?

Ngayong may mga patakaran ang pamahalaang makaaapekto sa pagpapasya, kalusugan, at pagkatao ng ating mga anak, ang mga pamilya, higit kailanman, ay kailangang maging matatag at mapagmahal na sandalan ng kabataan.

Sumainyo ang katotohanan.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 40,429 total reads

 40,429 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 78,098 total reads

 78,098 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 113,395 total reads

 113,395 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 339,665 total reads

 339,665 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 230,621 total reads

 230,621 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Just energy transition sa Semirara

 40,430 total reads

 40,430 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 78,099 total reads

 78,099 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 113,396 total reads

 113,396 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 339,666 total reads

 339,666 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »
Scroll to Top