Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,457 total reads

Ang Mabuting Balita, 02 Marso 2024 – Lucas 15: 1-3, 11-32

PAGSALUBONG SA ISANG BAYANI

Noong panahong iyon, ang mga publikano at ang mga makasalanan ay nagsisilapit upang makinig kay Jesus. Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at ang mga eskriba. Ang sabi nila: “Ang taong ito’y nakikisalamuha sa mga makasalanan at nakikisalo sa kanila.” Kaya’t sinabi sa kanila ni Jesus ang talinghagang ito: “Isang tao ang may dalawang anak na lalaki. Ang wika ng bunso, ‘Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.’ At binahagi sa kanila ng ama ang kanyang ari-arian. Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang kanyang ari-arian at nagtungo sa malayong lupain, taglay ang buo niyang kayamanan, at doo’y nilustay na lahat sa di wastong pamumuhay. Nang malustay na niya ang kanyang kayamanan, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing yaon, at nagdalita siya. Kaya’t namasukan siya sa isang mamamayan ng lupaing yaon. Siya’y pinapunta nito sa bukid upang mag-alaga ng baboy. Ibig sana niyang punan ang kanyang pagkain kahit ng mga bungang-kahoy na ipinakakain sa mga baboy ngunit walang magbigay sa kanya. Nang mapag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, nasabi niya sa sarili, ‘Ang mga alila ng aking ama ay may sapat na pagkain – at lumalabis pa – samantalang ako’y namamatay ng gutom dito! Babalik ako sa kanya, at sasabihin ko, “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.”, At tumindig siya at pumaroon sa kanyang ama. “Malayo pa’y natanawan na siya ng ama at ito’y labis na nahabag sa kanya, kaya’t patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinagkan. Sinabi ng anak, ‘Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak.’ Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, ‘Madali! Dalhin ninyo rito ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya. Suutan siya ng singsing at panyapak. Kunin ang pinatabang guya at patayain; kumain tayo at magsaya! Sapagkat namatay na ang anak kong ito; ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.’ At sila’y nagsaya. “Nasa bukid noon ang anak na panganay. Umuwi siya, at nang malapit na sa bahay ay narinig niya ang tugtugan at sayawan. Tinawag niya ang isa sa mga alila at tinanong: ‘Bakit? May ano sa atin?’ ‘Dumating po ang inyong kapatid!’ tugon ng alila. ‘Ipinapatay ng inyong ama ang pinatabang guya, sapagkat nagbalik siyang buhay at walang sakit.’ Nagalit ang panganay at ayaw itong pumasok sa bahay. Kaya’t lumabas ang kanyang ama at inamu-amo siya. Ngunit sinabi nito, ‘Pinaglingkuran ko po kayo sa loob ng maraming taon, at kailanma’y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa’y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang bisirong kambing para magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan. Subalit nang dumating ang anak ninyong lumustay ng inyong kabuhayan sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo ng pinatabang guya!’ Sumagot ang ama, ‘Anak, lagi kitang kapiling. Ang lahat ng ari-arian ko’y sa iyo. Ngunit dapat tayong magsaya at magalak, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.’”

————

Kung tayo ay nasa lugar ng panganay na anak, marahil ganito rin ang ating mararamdaman. Marahil, ang tingin niya, hindi makatarungan na ang kanyang kapatid na naglustay ng kanyang pamana (buhay pa ang kanyang Ama) ay bibigyan ng PAGSALUBONG SA ISANG BAYANI. Ang pakiramdam na ito ay siya ring pakiramdam ng mga Pariseo at mga eskriba. Kung tunay na matuwid si Jesus, bakit niya binabati ang mga makasalanan at bakit siya nakikisalo sa kanila?

Kung ganito ang ating nararamdaman, kailangan nating alalahanin na inilalarawan ni Jesus ang ating Ama sa langit at ang kanyang pananabik na MAKABALIK TAYONG LAHAT SA KANYA sa huling araw. Kung tayo ay nabubuhay patungo sa buhay na walang hanggang kasama ang Ama, mabuti naman, dahil tayo ay nasa tamang landas. Salamat sa Diyos! Ngunit kapag naliwanagan ang mga makasalanan at nagpasya na tahakin ang tamang landas, sila ay matatawag na tunay na MGA BAYANI sapagkat napagtagumpayan nila ang demonyo na kamuntik nanalo. Kung tayo ay mga tunay na Kristiyano, tayo rin ay magiging masaya katulad ng Ama sa talinhaga na ang ating kapatid ay nakabalik sa ating Pamilya ng Diyos.

Panginoong Jesus, nawa’y sa pamamagitan ng aming mapagmahal na paraan, kami ay maging iyong instrumento sa pagbabalik ng mga makasalanan sa iyong pastulan!

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 8,922 total reads

 8,922 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 31,108 total reads

 31,108 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 91,606 total reads

 91,606 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 112,203 total reads

 112,203 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 192,858 total reads

 192,858 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 293,026 total reads

 293,026 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LAW OF LOVE

 9,462 total reads

 9,462 total reads Gospel Reading for August 17, 2026 – Matthew 19: 16-22 LAW OF LOVE A young man approached Jesus and said, “Teacher, what good

Read More »

PUREST FORMS OF PRAYER

 6,404 total reads

 6,404 total reads Gospel Reading for August 16, 2026 -Matthew 15: 21-28 PUREST FORMS OF PRAYER At that time, Jesus withdrew to the region of Tyre

Read More »

FALL INTO PLACE

 8,077 total reads

 8,077 total reads Gospel Reading for August 15, 2026 – Luke 1: 39-56 FALL INTO PLACE Solemnity of the Assumption of the Blessed Virgin Mary Mary

Read More »

WORK OF LOVE

 17,850 total reads

 17,850 total reads Gospel Reading for August 14, 2026 – Matthew 19: 3-12 WORK OF LOVE Some Pharisees approached Jesus, and tested him, saying, “Is it

Read More »
Scroll to Top