Bamboo plantation project, ilulunsad ng Diocese of Legazpi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,220 total views

Ilulunsad ng Diocese of Legazpi ang bamboo plantation project sa bahagi ng Sto. Domingo, Daraga, Albay.

Layon ng Legazpi Diocesan Social Action Commission na makapagtanim ng 7,000 giant bamboo propagules tungo sa hangaring mapanatili ang kagubatan at mapagkunan ng kabuhayan ng komunidad.

“Bamboo is not just a plant, it’s a sustainable solution for a greener planet. Our plantation project is geared towards maximizing the potential of bamboo as a renewable resource and contributing to environmental conservation,” pahayag ng SAC Legazpi.

Maliban sa mahalagang ambag ng kawayan sa pagkakaroon ng malinis na hangin at malusog na lupa ay maaari din itong mapakinabangan sa pagtatayo ng mga tahanan o gusali, agrikultura, paglikha ng mga tela, at pagmulan ng malinis na enerhiya.

Inaanyayahan naman ng social arm ng Diyosesis ng Legazpi ang mga mananampalataya na makibahagi sa inisyatibo upang patuloy na maisulong ang malinis at luntiang kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon.

Katuwang ng SAC Legazpi sa proyekto ang Caritas Philippines, kung saan sa ilalim ng Alay Kapwa Para sa Kalikasan program ay isinusulong ang Caritas Bamboo Forest Project sa 86 na diyosesis sa buong bansa.

Magugunita nitong Pebrero 28 nang pangunahan ng social at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang paglagda sa Memorandum of Agreement para sa nasabing proyekto katuwang ang Archdiocese of Capiz at Jaro, at Diocese of San Carlos.

Layunin nitong higit na pagtibayin ang ugnayan sa pagitan ng simbahan, pamayanan, lokal na pamahalaan, at iba pang sektor sa layuning mapangalagaan ang nag-iisang tahanan, alinsunod sa Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalang Francisco.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 56,253 total views

 56,253 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 52,122 total views

 52,122 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 88,324 total views

 88,324 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 96,744 total views

 96,744 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 121,375 total views

 121,375 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top