Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,561 total reads

Ang Mabuting Balita, 02 Marso 2024 – Lucas 15: 1-3, 11-32

PAGSALUBONG SA ISANG BAYANI

Noong panahong iyon, ang mga publikano at ang mga makasalanan ay nagsisilapit upang makinig kay Jesus. Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at ang mga eskriba. Ang sabi nila: “Ang taong ito’y nakikisalamuha sa mga makasalanan at nakikisalo sa kanila.” Kaya’t sinabi sa kanila ni Jesus ang talinghagang ito: “Isang tao ang may dalawang anak na lalaki. Ang wika ng bunso, ‘Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.’ At binahagi sa kanila ng ama ang kanyang ari-arian. Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang kanyang ari-arian at nagtungo sa malayong lupain, taglay ang buo niyang kayamanan, at doo’y nilustay na lahat sa di wastong pamumuhay. Nang malustay na niya ang kanyang kayamanan, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing yaon, at nagdalita siya. Kaya’t namasukan siya sa isang mamamayan ng lupaing yaon. Siya’y pinapunta nito sa bukid upang mag-alaga ng baboy. Ibig sana niyang punan ang kanyang pagkain kahit ng mga bungang-kahoy na ipinakakain sa mga baboy ngunit walang magbigay sa kanya. Nang mapag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, nasabi niya sa sarili, ‘Ang mga alila ng aking ama ay may sapat na pagkain – at lumalabis pa – samantalang ako’y namamatay ng gutom dito! Babalik ako sa kanya, at sasabihin ko, “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.”, At tumindig siya at pumaroon sa kanyang ama. “Malayo pa’y natanawan na siya ng ama at ito’y labis na nahabag sa kanya, kaya’t patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinagkan. Sinabi ng anak, ‘Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak.’ Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, ‘Madali! Dalhin ninyo rito ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya. Suutan siya ng singsing at panyapak. Kunin ang pinatabang guya at patayain; kumain tayo at magsaya! Sapagkat namatay na ang anak kong ito; ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.’ At sila’y nagsaya. “Nasa bukid noon ang anak na panganay. Umuwi siya, at nang malapit na sa bahay ay narinig niya ang tugtugan at sayawan. Tinawag niya ang isa sa mga alila at tinanong: ‘Bakit? May ano sa atin?’ ‘Dumating po ang inyong kapatid!’ tugon ng alila. ‘Ipinapatay ng inyong ama ang pinatabang guya, sapagkat nagbalik siyang buhay at walang sakit.’ Nagalit ang panganay at ayaw itong pumasok sa bahay. Kaya’t lumabas ang kanyang ama at inamu-amo siya. Ngunit sinabi nito, ‘Pinaglingkuran ko po kayo sa loob ng maraming taon, at kailanma’y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa’y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang bisirong kambing para magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan. Subalit nang dumating ang anak ninyong lumustay ng inyong kabuhayan sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo ng pinatabang guya!’ Sumagot ang ama, ‘Anak, lagi kitang kapiling. Ang lahat ng ari-arian ko’y sa iyo. Ngunit dapat tayong magsaya at magalak, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.’”

————

Kung tayo ay nasa lugar ng panganay na anak, marahil ganito rin ang ating mararamdaman. Marahil, ang tingin niya, hindi makatarungan na ang kanyang kapatid na naglustay ng kanyang pamana (buhay pa ang kanyang Ama) ay bibigyan ng PAGSALUBONG SA ISANG BAYANI. Ang pakiramdam na ito ay siya ring pakiramdam ng mga Pariseo at mga eskriba. Kung tunay na matuwid si Jesus, bakit niya binabati ang mga makasalanan at bakit siya nakikisalo sa kanila?

Kung ganito ang ating nararamdaman, kailangan nating alalahanin na inilalarawan ni Jesus ang ating Ama sa langit at ang kanyang pananabik na MAKABALIK TAYONG LAHAT SA KANYA sa huling araw. Kung tayo ay nabubuhay patungo sa buhay na walang hanggang kasama ang Ama, mabuti naman, dahil tayo ay nasa tamang landas. Salamat sa Diyos! Ngunit kapag naliwanagan ang mga makasalanan at nagpasya na tahakin ang tamang landas, sila ay matatawag na tunay na MGA BAYANI sapagkat napagtagumpayan nila ang demonyo na kamuntik nanalo. Kung tayo ay mga tunay na Kristiyano, tayo rin ay magiging masaya katulad ng Ama sa talinhaga na ang ating kapatid ay nakabalik sa ating Pamilya ng Diyos.

Panginoong Jesus, nawa’y sa pamamagitan ng aming mapagmahal na paraan, kami ay maging iyong instrumento sa pagbabalik ng mga makasalanan sa iyong pastulan!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 238,791 total reads

 238,791 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 270,520 total reads

 270,520 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 372,346 total reads

 372,346 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 412,907 total reads

 412,907 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 423,566 total reads

 423,566 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

OMNISCIENT

 2,666 total reads

 2,666 total reads Gospel Reading for October 08, 2026 – Luke 11: 5-13 OMNISCIENT Jesus said to his disciples: “Suppose one of you has a friend

Read More »

BRIDGING THE GAP

 4,034 total reads

 4,034 total reads Gospel Reading for October 07, 2026 – Luke 11: 1-4 BRIDGING THE GAP Jesus was praying in a certain place, and when he

Read More »

JOYFUL HOPE

 3,292 total reads

 3,292 total reads Gospel Reading for October 06, 2026 – Luke 10: 38-42 JOYFUL HOPE Jesus entered a village where a woman whose name was Martha

Read More »

The ROADMAP

 15,822 total reads

 15,822 total reads Gospel Reading for October 05, 2026 – Luke 10: 25-37 The ROADMAP There was a scholar of the law who stood up to

Read More »
Scroll to Top