14,718 total views
Tiniyak ng Diyosesis ng Assisi sa Italy ang patuloy na pagpukaw sa kamalayan ng mga kabataan upang mapalalim ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ni Blessed Carlo Acutis.
Ayon kay Assisi Bishop Domenico Sorrentino, sa pamamagitan ito ng pagdating ng relikya ni Blessed Carlo Acutis sa Ireland sa Diyosesis ng Clogher.
Layunin ng pagbisita na mahikayat ang mga kabataan at kanilang pamilya na gamitin ang kanilang buhay at talento sa mga makabuluhang bagay.
“What joy in bringing for the fourth time a relic of Blessed Carlo Acutis, from Assisi to Ireland, for a visit to the eight diocese. This first Blessed of the millennium, who follows in the footsteps of Saint Francis of Assisi, is an invitation to everyone, especially young people and families, not to waste their lives, but to make a masterpiece of it,” ayon as mensahe ni Bishop Sorrentino na ipinadala ng Diyosesis ng Assisi sa Radio Veritas.
Dadating ang relikya ni Blessed Carlo Acutis sa March 03 at magtatagal hanggang March 05 sa Saint Michael’s Church sa Enniskillen Ireland na kilala bilang isang mapayapang bahagi ng Diyosesis ng Clogher matapos mabalot ng kaguluhan at sigalot noong 1978.
Pinangangasiwaan ang pagbisita ng relikya ni Monsignor Anthony Figueiredo na nangangasiwa sa Assisi International Relations at kilala bilang isa sa mga deboto ni Blessed Carlo Acutis.
Umaasa si Monsignor Figueiredo na sa patuloy na pag-iikot ng relikya ni Blessed Carlo Acutis ay maparami pa ang mga mga kabataang nanamapalatayasa sa Panginoon at lumalapit kay Hesu Kristo.
“As he always said, “Always being united with Jesus, this is my life plan”. Carlo, inspired by the Madonna and the saints, was transfigured by love for God and others, especially the least in society, nourished by coherence in sacramental life and adoration,” ayon pa sa mensahe ng Diocese of Assisi na ipinadala sa Radio Veritas.
Noong 2022 ay unang ipinagkaloob ng Diyosesis ng Assisi sa Diyosesis ng Malolos ang mga relic ni Beato Carlo na ex corpore et ex capilis upang mapalago ang pagdedebosyon sa batang banal at ebanghelisasyon sa Pilipinas.