31,124 total views
Tiniyak ng West Philippine Sea: Atin Ito Movement ang patuloy na paninindigan sa West Philippines Sea (WPS) na inaangkin ng China.
Ipapaalam at ipapakita ng grupo sa publiko sa pamamagitan ng Film Showing Activity at Photo Exhibit sa March 14 ang naging kaganapan sa kauna-unahang civillian resupply mission para sa mga uniformed personnel at mangingisdang namamalagi sa WPS noong December 2023.
Sa pamamagitan ng mga kuhang litrato ni Adia Lim ay nais ipakita ng Atin Ito Movement ang katapangan ng mga mamamayan mula sa ibat-ibang sektor ng lipunan na naging bahagi ng gawain.
“In addition to commemorating this historic endeavor, “A Story of Courage” serves as a platform to celebrate numerous unprecedented milestones. Notably, it marks the first civilian-led supply mission to the West Philippine Sea, a significant step forward in unity, solidarity and support among Filipinos,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Atin Ito Movement sa Radio Veritas.
Idadaos ang Film Showing at Photo Exhibit sa March 14 sa La Castellana, Intramuros Manila ganap na ika-anim ng gabi.
Sa mga nais magtungo ay maaring makipag-ugnayan sa mga kinatawan ng West Philippine Sea Atin Ito Movement sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa [email protected].
” It also represents the first ever inclusion of foreign journalists in documenting such a mission, as well as the pioneering utilization of live multi-media coverage, bringing the latest news and updates to both national and global audiences. Moreover, it signifies a landmark collaboration between civil society and government institutions on issues pertaining to the West Philippine Sea,” ayon pa sa mensahe ng Atin Ito Movement.
Unang inihayag ng North Luzon Bishops kasama si Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang pakikiisa sa paninindigan ng Atin Ito Movement na pag-aari ng Pilipinas ang WPS na pinatibay ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).