Tugunan ang mas malalim na ugat ng HIV sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 619 total reads

Mga Kapanalig, ayon sa Department of Health o DOH, bawat araw ay may tinatayang 29 na bagong kaso ng HIV ang naitatala sa ating bansa. Ang HIV o human immunodeficiency virus ay isang virus na sanhi ng acquired immunodeficiency syndrome o AIDS, isang kundisyon kung saan humihina ang kakayahan ng katawan ng isang tao na labanan ang mga sakit at impeksyon.

Ang nakababahala, 8 sa bawat 10 Pilipinong may HIV ay mga kabataang nasa pagitan ng 15 at 24 na taóng gulang. Epidemya na ngang maituturing ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng HIV dito sa Pilipinas, lalo pa’t pabata nang pabata ang edad ng mga tinatamaan nito. Ang hindi paggamit ng proteksyon sa pagtatalik o pakikipag-sex ang sinasabing pangunahing sanhi ng paglaganap ng HIV sa mga kabataan, kaya’t ang naisip na solusyon ng DOH ay ang pamumudmod ng condom sa mga mag-aaral sa high school.

Ngunit ang isyung pangkalusugan na ito ay hindi lamang tungkol sa hindi paggamit ng condom. Ang problema ay nakaugat sa mga pananaw ng ating mga kabataan tungkol sa kanilang katawan, sekswalidad, at pakikipag-relasyon.

Marami sa atin ang mabilis magtaas ng kilay o naiiskandalo sa tuwing nakaririnig tayo ng mga balita o kuwento tungkol sa mga kabataang may karanasan na sa pakikipagtalik. Huwag na po nating ikaila ang katotohanang maraming kabataan ngayon ang nahihimok na gawin ang mga bagay na, para sa marami, ay hindi nila dapat ginagawa—gaya ng pakikipagtalik sa murang edad. Delikado naman po talaga ang ganitong pag-eeksperimento ng mga kabataan sa kanilang katawan dahil maaari silang kapitan ng sexually transmitted infections (gaya ng HIV/AIDS) o kaya naman ay magbunga ng hindi planadong pagbubuntis na peligroso sa mga kabataang babae.

Ngunit maaaring hindi lubusang nauunawaan ng mga kabataan—maging ng mga nakatatanda—ang malalim na kahulugan ng pakikipagtalik, lalo na sa konteksto ng ating pananampalataya. Ang pakikipagtalik ay isang gawaing inilalaan lamang sa mga mag-asawa. Hindi ito isang bagay na ginagawa upang pawiin ang tawag ng laman. Ang sexual act ay isang pagpapahayag ng pagmamahal ng mag-asawa sa isa’t isa, at ito ay may kaakibat na kabukasan sa pagkakaroon ng supling o procreation. Ang pakikipagtalik ay ang pakikilahok nating mga tao sa patuloy na gawain ng paglikha ng ating Diyos, kaya’t ito ay dapat na pinahahalagahan.  

Nakalulungkot na hindi ganito ang pagtingin ng mga kabataan ngayon sa sex. Sa datos mula sa 2013 Young Adults Fertility and Sexuality Survey, isa sa bawat tatlong kabataang edad 15 hanggang 24 ay nakipagtalik na nang hindi pa ikinakasal. Ito po ang tinatawag nating premarital sex. Walang layuning makalikha ng buhay ang premarital sex dahil ito ay kadalasang ginagawa upang ipakita ang lakas o kapangyarihan sa isang relasyon, upang pag-eksperimentuhan ang sekswalidad, o upang maging “in” sa barkada.

Ayon nga sa mga panlipunang turo ng Simbahan, tayo ay nasa isang lipunang namamayani ang kani-kaniyang pagpapakahulugan sa pag-ibig at sekwalidad, gayundin ang pagpapatingkad sa mabababaw na aspeto ng mga ito sa halip na ang kanilang malalim na halaga o fundamental values. Dahil dito, kailangan nating ipahayag at patotohanan na ang tunay na pag-ibig ay ang pagbibigay ng buong sarili at pagiging matapat sa taong minamahal—a full and total gift of persons.  

Marami pang kailangan gawin sa larangan ng sexuality education para sa ating mga kabataan. Ito ay dapat na pagtulungan ng mga magulang, paaralan, ng media, at maging ng Simbahan.  Hindi lang ito tungkol sa pagtuturo ng mga pisikal o sekswal na pagbabago sa katawan ng isang tao. Itinuturo rin dapat ang tunay na kahulugan ng pag-ibig, responsableng pakikipag-relasyon, ang panganib ng premarital sex, at ang kahalagahan ng kasal, pagtataya, at katapatan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 24,425 total reads

 24,425 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 58,465 total reads

 58,465 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 94,948 total reads

 94,948 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 113,159 total reads

 113,159 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 196,201 total reads

 196,201 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 24,426 total reads

 24,426 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 58,466 total reads

 58,466 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 94,949 total reads

 94,949 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 113,160 total reads

 113,160 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top