178 total views
Hindi makatutulong ang paghusga at pagtataboy sa mga nagkamali at nagkasala sa lipunan upang muling maibalik sa tama ang kanilang pananaw at direksyon sa buhay.
Ayon kay Diocese of Boac Bishop Marcelino Maralit, ito ang humahadlang sa ipinagkaloob na banal na awa ng Panginoon para sa sangkatauhan.
Ipinaliwanag ng Obispo na ang banal na awa ng Diyos ay naglalayong maibalik sa pagiging isang tunay na kawangis ng Diyos ang bawat isa sa pamamagitan ng pagbibigay ng panibagong opurtunidad sa mga nakagawa ng pagkakamali at kasalanan sa kapwa.
“Sa huli, the chance that they are given that they change, don’t give them a chance they won’t change, and who are we to say that a person cannot change? So ‘yung Divine Mercy, it’s an opportunity to become what we were supposed to be, we were born, we were created in the image and likeness of God we lost that for whatever reason, whatever we have done. Ang ginagawa ng Mercy, we’re just being brought back to that.” pahayag ni Bishop Maralit sa panayam sa Radio Veritas.
Ayon sa Obispo, ang bawat isa ay kawangis ng Panginoon at dahil sa maling mga desisyon sa buhay ay naligaw ng landas.
Ito ayon kay Bishop Maralit ang isang dahilan kung bakit kinakailangan na maging daluyan ng awa ng Panginoon ang bawat isa at ipagkaloob sa mga nangangailangan ang habag, awa at tulong mula sa Maykapal.
Pagbabahagi pa ng Obispo, sa mismong mga opisyal ng pamahalaan at mga kapulisan nararapat magsimula ang Awa para sa kapwa upang pagkalooban ng panibagong opurtunidad ang mga nagkasala sa gitna ng patuloy na paglaki ng kaso ng extra judicial killings na itinuturing ng Philippine National Police na Death Under Investigation.
Sa pinakahuling ulat ng PNP, tinatayang nasa 1.2-milyong mga drug personalities na sa buong bansa ang sumuko sa mga otoridad mula noong simulan ang pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga noong nakalipas na taon.
Sa panayam ng Radio Veritas, inihayag ni WACOM 4 delegate Michael Hii,isang breast cancer survivor na ang Diyos ay nangungusap sa bawat isa na iligtas ang ibang kaluluwa.