Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Tagum, patuloy na umaapela ng tulong

SHARE THE TRUTH

 182 total views

Patuloy na nangangailangan ng tulong ang Diocese ng Tagum para sa mga nasasakupan nilang apektado ng baha sa Davao del Norte at sa Compostela Valley.

Ayon kay Rev. Fr. Emerson Luego, social action center director ng diocese, nasa mga parokya at gymnasium ang mga evacuees dahil lubog pa rin sa baha ang kanilang mga bahay bunsod ng patuloy na pag-ulan doon simula pa noong Sabado.

Pahayag ng pari, namahagi na ng tulong ang pamahalaang lokal ng dalawang lalawigan maging ang Simbahang Katolika sa mga nabaha gaya ng pagkain.

“Kung meron kayong tulong na ipaaabot sa mga taga Davao, kailangan namin ang pagkain, ito ang pinakabasic na kailangan, kung may tulong pwedeng ibigay sa Veritas at Caritas Manila. Sa ngayon bigas at canned goods, ready to eat na pagkain ang kailangan ng mga apektadng kababayan.” ayon kay Fr. Luego sa panayam ng Radio Veritas.

Apat na parokya naman ng diocese ang pinakaapektado ng baha, kabilang dito ang San Isidro Labrador Parish ng Kapalong Davao del Norte, Our Lady of Assumption at San Miguel Parish ng Sto. Tomas sa Tagum.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Center ang forced evacuation sa mga residenteng malapit sa mga ilog at mabababang lugar.

“Nasa danger level na ang mga ilog dito. Nag abiso na ang PDRRMC na ilikas na ang mga residente sa mga vulnerable areas. Mula Sabado umuulan na lalo na sa hapon kaya patuloy ang baha, yung nangyari sa Cagayan de Oro ang tubig galing sa Bukindon. Isa sa mga reason bakit may mga ulan biglang bumabaha, kasi kalbo na ang kabundukan lalo na ang bundok ng Bukidnon at Davao del Norte, kaya biglang lumalaki ang tubig.” ayon pa sa pari.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,523 total views

 6,523 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,507 total views

 24,507 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,444 total views

 44,444 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,636 total views

 61,636 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 75,011 total views

 75,011 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,576 total views

 16,576 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 71,831 total views

 71,831 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 97,646 total views

 97,646 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 135,957 total views

 135,957 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top