172 total views
Ito ang panawagan ni Puerto Prinsesa Palawan Bishop Pedro Arigo sa Simbahan at gobyerno matapos lumabas ang pag – aaral ng Bangko Sentral ng Pilipinas na mayorya ng mga Pinoy ay walang bank accounts.
Ayon kay Bishop Arigo, isa sa mga dahilan kung bakit kakaunti lamang ang nagbubukas ng kanilang bank account ay dahil na rin sa dami ng hinihinging requirement ng mga bangko sa taumbayan.
Inihalimbawa naman nito ang Palawan Savers Club na may halos 500-miyembro na nagbibigay ng libreng seminar sa financial management sa mga mahihirap upang sila ay makaipon sa kanilang hinaharap na gastusin.
“Kasi yung requirement ng bangko grabe, at yung financial literacy ng Pilipino very low, very poor. Maganda na iyon para nakikita natin. Meron akong nababalitaan, halimbawa, sa Palawan meron kaming grupo rito na nagbibigay ng financial literacy. Kung tawagin namin ay Palawan Savers Club. Meron na silang around 500 members tinuturuan namin sila ng proper financial management na regardless of your income will become financially independent na hindi ka babaon sa utang.”pahayag ni Bishop Arigo sa panayam ng Radyo Veritas.
Lumabas naman sa consumer finance survey ng BSP na walo sa sampung Pinoy o katumbas ng walumpu’t apat na porsiyento ng mga Pilipino ang hindi nag-iimpok ng pera sa bangko dahil sa samu’t saring kadahilanan.
Pinaalalahanan naman tayong lahat mula sa aklat ng Hebreo kabanata 13 talata 18 na maging responsable at tapat sa paggamit ng pera para hindi mamoroblema dahil sa sobrang paggastos.