Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

WACOM 4 delegates, inaasahang maging daluyan ng awa sa kapwa

SHARE THE TRUTH

 204 total views

Hinimok ni World Apostolic Congress on Mercy Episcopal Coordinator at Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos ang nasa anim na libong lokal at international delegates na nakiisa sa pagtitipon na maging daluyan ng awa sa kapwa.

Ayon kay Bishop Santos, maisabuhay nawa ng mga delegado ang mga naging mensahe ng ika – 4 na WACOM na ginanap sa bansa upang sa gayon ay maging buhay na saksi nito sa buong mundo.

“Tayo naman ngayon ang maging awa sa ating kapwa na yung awa na ating napakinggan ay gawin nating pang – unawa sa ating kapwa. Tanggapin natin sila at gumawa tayo ng kabutihan ngayon ay ipalaganap natin ang awa ng Diyos at tayo ay maging awa ng Diyos sa ating kapwa,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Pinasalamatan rin ng chairman ng CBCP –Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang mga Overseas Filipino Workers na nakiisa sa ibat-ibang pamamaraan at sumubaybay sa pagdaraos ng WACOM4.

Nangako rin si Bishop Santos sa mga OFWs na patuloy itong magpapadala ng mga misyonerong pari na maglilingkod sa kanilang pangangailangang espiritwal.

“Sa ating nakiisa na mga OFWs na nakinig at nanuod ito ay tanda na kung saan kayo ay aming kasama sa panalangin at kami ay nanalangin sa inyo kahit hindi kayo nakapunta ang aming iniisip ay ang inyong kapakanan at magpapadala kami ng pari upang kayo ay subaybayan. Kayo ay nasa aming puso at mga isip palagi ng Simbahan upang kayo ay subaybayan nito na tayo ay gumawa ng paraan upang kayo ay padalhan ng pari.” pahayag pa ni Bishop Santos sa Veritas Patrol.

Inihayag ni CBCP Episcopal Commission on the Laity chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na isang malaking hamon ng WACOM 4 na madama ang habag sa sarili at kapwa.

See:

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,476 total views

 29,476 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 41,193 total views

 41,193 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 62,026 total views

 62,026 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,447 total views

 78,447 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,681 total views

 87,681 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 91,261 total views

 91,261 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Cardinal Homily
Veritas Team

A listening Shephered to the flock

 60,712 total views

 60,712 total views AUDIAM- I will listen Ito ang commitment ni Jose Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Archdiocese of Manila. Sa kanyang homiliya, inihayag ni Cardinal

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top