Kanselado na ang PAREx!

SHARE THE TRUTH

 140,529 total views

Mga Kapanalig, hindi na itutuloy ng San Miguel Corporation ang plano nitong pagtatayo ng Pasig River Expressway (o PAREx). Ang PAREx ay isang expressway project na ilalagay sa ibabaw mismo ng Pasig River mula R-10 sa Maynila hanggang sa iminumungkahing South East Metro Manila Expressway sa C-6 sa Taguig. May haba itong 19.4 kilometers. Pinalutang ang ideya ng pagtatayo ng PAREx upang ibsan daw problema natin sa trapiko sa Metro Manila. Gayunpaman, sensitibo raw ang San Miguel Corporation sa opinyon ng publiko. Kung ang palagay daw ng publiko ay hindi makatutulong ang PAREx, hindi na raw ito itutuloy ng naturang korporasyon. 

Kontrobersyal ang PAREx dahil sa mga sinasabing peligrong dala nito. Iba’t ibang grupo at koalisyon ang kumilos upang tutulan ito. Isa sa mga aktibong nangampanya laban sa proyekto ang Diyosesis ng Pasig sa pangunguna ni Bishop Mylo Hubert Vergara. Sa katunayan, naglabas ng pahayag ang diyosesis noong 2022 laban sa PAREx. Binigyang-diin ng diyosesis ang masasamang dulot ng proyekto sa buhay at kapaligiran ng Ilog Pasig, sa kalusugan at kabuhayan ng mga nasa paligid ng proyekto, at maging sa ating kultura.

Kaya naman, ikinatuwa ng mga tutol sa proyekto ang naging pahayag ng San Miguel Corporation. Para kay Bishop Vergara, isa itong “welcome development in the spirit of synodality.” Isang magandang balita ito na bunga ng sama-samang pagtugon sa pangangailangang protektahan ang Ilog Pasig. Hinamon naman ng Ilog Pasiglahin Movement ang San Miguel Corporation na bawiin na nito ang Supplemental Toll Operation Agreement sa Toll Regulatory Board, ang aplikasyon nitong Environmental Compliance Certificate sa Department of Environment and Natural Resources, at ang mga aplikasyon ng pagkuha ng permit sa iba’t ibang lokal na pamahalaan. Dagdag pa ng grupo, kung talagang seryoso ang San Miguel Corporation sa pagsalba sa Ilog Pasig, dapat din daw kanselahin ang iba pang proyekto nitong makaaapekto sa Ilog Pasig. Ilan sa mga ito ay ang Southeast Metro Manila Expressway na maaapektuhan ang silangang bahagi ng ilog at ang Southern Access Link Expressway sa Manila Bay at Intramuros. Giit ng mga miyembro ng Ilog Pasiglahin Movement, anumang mapanirang gawain sa paligid ng ilog, katulad ng reklamasyon at deforestation, ay makaaapekto pa rin sa Ilog Pasig.

Ipinaaalala ng mga panlipunang turo ng Simbahan na ang pananaw at pagkilos nating mga Kristiyano ukol sa ating kalikasan ay dapat na puspos ng pasasalamat at paghanga. Sa kalikasan, kasama ang mga ilog at daluyan ng tubig, maaaring makita ang Diyos na lumikha. Kung binabalewala natin ang ugnayan ng Diyos sa kalikasan, tinatanggal natin ang kahulugan ng pag-iral ng sangnilikha, na nauuwi naman sa pag-abuso natin sa mga likas-yaman at iba pang nilikha ng Diyos. Ngunit kung titingnan natin ang kaugnayan ng tao, ng kalikasan, at ng Diyos, matutuklasan natin ang mga misteryo ng kalikasan—maririnig natin ang pagtangis ng sangnilikha at higit nating mapahahalagahan ang kagandahan at kahulugan ng kanilang pag-iral sa mundo.

Kaya naman, tunay ngang magandang balita ang pagkakahinto sa PAREx. Isa itong patunay na epektibo ang sama-samang pagtutol sa mga mapinsalang proyektong hindi nakikita at hindi iginagalang ang biyaya ng kalikasan. Katulad ng paalala ni Pope Francis sa Laudato Si’, “Humanity still has the ability to work together in building our common home.” Marami pang ibang proyektong dapat bantayan. Marami pang dapat gawin upang protektahan at tuluyang maisalba ang Ilog Pasig.

Mga Kapanalig, ayon sa Genesis 1:26, tayo ay mga tagapangasiwa at tagapangalaga ng mga nilikha ng Diyos. Nawa’y mag-umpisa ito sa ating pasasalamat at paghanga sa kalikasan. Humantong din sana ito sa mga kongkretong hakbang upang sama-sama nating pangalagaan at protektahan ang sangnilikha. Umpisahan natin ito sa Ilog Pasig! 

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 38,252 total views

 38,252 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 43,670 total views

 43,670 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 50,377 total views

 50,377 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 65,171 total views

 65,171 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 71,327 total views

 71,327 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 38,253 total views

 38,253 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 43,671 total views

 43,671 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 50,378 total views

 50,378 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 65,172 total views

 65,172 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 71,328 total views

 71,328 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 40,864 total views

 40,864 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 51,448 total views

 51,448 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 59,665 total views

 59,665 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 43,898 total views

 43,898 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 49,874 total views

 49,874 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 52,967 total views

 52,967 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 42,672 total views

 42,672 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 43,560 total views

 43,560 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 58,863 total views

 58,863 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 71,272 total views

 71,272 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top