Ecumenical council sa Negros, nagpahayag ng pakikiisa sa Palestina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,534 total reads

Nagpahayag ng suporta at pakikiisa sa bansang Palestina ang One Negros Ecumenical Council (ONE-C) na binubuo ng mga opisyal ng Roman Catholic Church, Iglesia Filipina Independiente (IFI) at United Church of Christ of the Philippines (UCCP) sa Negros-island.

Sa isang solidarity message na nilagdaan ng apat na opisyal ng iba’t ibang denominasyon mula sa Negros sa pangunguna ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na siyang chairperson ng ONE-C, ay nanawagan ang mga ito sa pagkakaroon ng tigil putukan sa Palestina.

Bahagi din ng mensahe ng pakikiisa ng ONE-C sa pinagdaraang pagdurusa ng mga mamamayan ng Palestina lalo’t higit ang inosenteng bata na naiipit sa armadong sagupaan.

“The One Negros Ecumenical Council (ONE-C) joins in solidarity for Palestine. As Christians, we make up the body of Christ – the one for whom his mission of service was dedicated so that we may have life to the full. However, as this body, we are called into relationship with suffering communities around the world. Christian hope is made evident through our faith and actions both within the communities to which we belong, and also in the greater world community, when we stand together with those suffering in Palestine.” Bahagi ng Solidarity Message ng One Negros Ecumenical Council (ONE-C).

Nagpaabot din ng panalangin ang ONE-C para sa mga mamamayan ng Palestina, at ang kahilingan ng pagkakaroon ng malaya at mapayapang hinaharap ang bansa na mamayani ang kaayusan at kaligtasan ng bawat mamamayan.

“Our prayers are with the people of Palestine. We envision a future where they are liberated from oppression and able to reconstruct their society in peace, recognized for their sovereignty and self-determination. We advocate for a just and enduring resolution that avoids domination, is free from fear, and pre-emptive actions. We pray for the dissolution of confusion, anger, and trauma across Palestine.” Ayon pa sa pahayag.

Kabilang sa mga lumagda sa solidarity message sina The Right Reverent Virgilio Amihan, IFI – co-chairperson ng One Negros Ecumenical Council (ONE-C); Bishop Feliciana Tenchaves, UCCP – council member ng ONE-C; at si The Right Reverend Allan Caparro, IFI, ang provincial coordinator ng ONE-C sa Negros Oriental.

Matatandaang una na ding tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pananalangin para sa kaayusan at kapayapaan ng Israel at Palestina.

Sinabi naman ng Santo Papa Francisco na tanging mga panalangin ang makapipigil sa karahasang nangyayari sa sanlibutan, gayundin ang pagpapaalala na walang puwang sa lipunan ang karahasan kaya’t dapat na magbuklod tungo sa pagkakamit ng kapayapaan ng buong daigdig.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 43,669 total reads

 43,669 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 40,994 total reads

 40,994 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 75,462 total reads

 75,462 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 177,286 total reads

 177,286 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 217,844 total reads

 217,844 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 236,764 total reads

 236,764 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 43,670 total reads

 43,670 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top