10,316 total views

Homily April 14, 2024
3rd Sunday of Easter Cycle B
Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48

Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan ng mga religious leaders ng kanyang panahon. Naranasan niya ang torture ng mga Romano, ang pagkutya ng mga tao, ang kaduwagan ni Pilato, ang pananahimik ng kanyang mga alagad. Nandiyan din ang walang katarungang pagbibintang at paghuhusga, ang panunulsol ng mga pari pa naman sa mga tao, ang pasakit ng pagkapako sa krus. Natanggap din niya ang huling kamandag ng kasalanan na walang iba kundi ang kamatayan, at masakit at nakakahiyang kamatayan. Ang lahat ng ito ay dinanas ni Jesus at napagtagumpayan niya. Siya ay muling nabuhay! Ang mga bakas ng sugat sa kanyang mga kamay at paa ay hindi na naging tanda ng kahihiyan kundi naging medalya na ng kanyang tagumpay. Hindi siya napahiya. Napagtagumpayan niya ang lahat.

Tayong nakikiisa kay Jesus ay nakikiisa din sa kanyang tagumpay. Ano naman ang ating tagumpay sa kasalanan? Ang kapatawaran! Totoo nandiyan pa rin ang kasalanan, pero wala na itong kapit sa atin. Napapatawad na tayo kahit na gaano kalaki ng ating kasalanan. Iyan ang mensahe ni Pedro at ni Juan sa mga tao doon sa Jerusalem. Maraming mga tao ang nagtipon noong makita nila na ang lumpo na namamalimos sa labas ng templo ay nakalalakad na. Pinaliwanag ni Pedro na ang lumpong ito ay nakalakad dahil sa kapangarihan ni Jesus na muling nabuhay. Oo, namatay siya. Itinakwil nila siya sa harapan ni Pilato kahit na gusto na niya siyang palayain. Pinagbintangan nila ang taong matuwid at banal at pinagpalit sa isang mamamatay tao. Pinapatay nila ang pinagmumulan ng buhay, ngunit hindi siya mapigilan ng kamatayan. Sila ay muling nabuhay. Ang katotohanan na buhay siya ay napagaling niya ng lumpo na nasa harapan nila ngayon.

Pero kahit na ganito ang kanilang ginawa kay Jesus hindi pa huli ang lahat. Sa kanilang pagka-ignorante sa pamamaraan ng Diyos, tinupad nila ang nakasulat sa banal na kasulatan na ang Kristo ay dapat magdusa. Kaya ngayon magsisisi na sila upang matanggal na ang kasamaan na kanilang ginawa. Iyan din ang sinulat ni San Juan na ating narinig sa ikalawang pagbasa. Ayaw ng Diyos na magkasala tayo, pero kung nagkakasala man tayo, nandiyan si Kristo na Tagapamagitan natin. Siya ang handog na nagpapatawad sa kasalanan natin, at hindi lang ng kasalanan natin, kundi kasalanan ng lahat ng mga tao. Kaya hindi na tayo maaalipin ng kasamaan. Matatanggal na ang kasamaan natin.

Sino ang magdadala ng mensaheng ito ng tagumpay at kapangyarihan? Ang mga apostol ni Jesus, na sila mismo ay nagkasala, na sila mismo ay nahirapan na makapaniwala. Nagpakita na si Jesus sa dalawa sa kanila sa daan patungo sa Emaus. Nakita na nila si Jesus na nakatayo sa harap nila. Pinakita na ni Jesus at pinapahipo pa sa kanila ang butas ng pako sa kanyang mga kamay at paa. Kumain na si Jesus ng inihaw na isda sa harap nila upang patunayan na hindi siya multo, pero nag-aalinlangan pa sila. Ang damdamin nila ay magkahalong takot at tuwa. Tuwa dahil nandiyan na si Jesus sa piling nila. Takot at pagkamangha kasi bago ang pangyayaring ito. Siya ba talaga ito? Totoo ba ito?

Pinaliwanag sa kanila ni Jesus na ang nangyari sa kanya ay bahagi ng plano ng Diyos. Nangyari ito sa kanya hindi dahil sa naging mahina siya at hindi siya nakatakas sa mga umuusig sa kanya. Ito ay nakatakda na sa Banal na Kasulatan. Nakasulat doon na magbabata ang Kristo ng kahirapan ngunit mabubuhay na muli sa ikatlong araw. At ngayong buhay na uli siya, ipapahayag na ang kapatawaran ng kasalanan.

Natalo na niya ang kasamaan. At sila, ang mga alagad niya, ang mga saksi sa mga pangyayaring ito. Ganoon nga ang ginawa ng mga apostol. Pumunta sila sa iba’t-ibang bahagi ng mundo at nagpahayag. Hindi lang sila nagpatotoo sa pamamagitan ng kanilang mga salita. Itinaya nila ang kanilang buhay sa mensahe nila. Ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus na nagbigay ng lakas sa mga alagad na humayo at magbuhos ng kanilang buhay na ito ay totoo.

Nakarating hanggang sa atin ang mensaheng ito. Natanggap natin ang mga patotoong ito ng mga apostol kaya mayroong tayong apostolic faith. At tayo din ngayon, tinataya natin ang ating panahon, ang ating talento, ang ating yaman sa paniniwalang ito. Dahil sa handog ni Jesus, tayo ay nagbabalik handog. Kaya nga tayo nagsisimba ngayon. Kaya nga tayo nakikiisa sa mga panawagan ng bayanihan. Kaya nga marami sa atin ay nag-se-serve sa iba’t-ibang gawain ng simbahan. Kaya nga tayo nag-aambag ng ating makakayanan sa mga projects ng simbahan. Isinasabuhay natin ang pag-aalay ni Jesus sa paniniwala na makikiisa din tayo sa kanyang tagumpay.

Isabuhay natin at patuloy na ipahayag ang magandang balitang ito. Malaya na tayo sa kasamaan. Pairalin na natin ang kabutihan. Kaya huwag na tayong magpadala sa takot, sa pangamba, sa galit, sa inggit, sa bisyo at sa anumang kasamaan. Manalig tayo at maging generous at makikiisa tayo sa kapangyarihan ni Jesus na muling nabuhay.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 34,081 total views

 34,081 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 39,499 total views

 39,499 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 46,206 total views

 46,206 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 61,001 total views

 61,001 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 67,157 total views

 67,157 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 2,838 total views

 2,838 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 8,158 total views

 8,158 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 12,474 total views

 12,474 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 12,824 total views

 12,824 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 26,294 total views

 26,294 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 3, 2024

 26,723 total views

 26,723 total views 3rd Sunday of Lent Cycle B Ex 20:1-17 1 Cor 1:22-25 Jn 2:13-25 Kilala natin si Jesus na isang taong malumanay, mapagpatawad at mapagpasensya. Siya ay matulungin sa nangangailangan at madaling lapitan. Pero kakaibang Jesus ang napakinggan natin ngayon sa ebanghelyo. Pinagtabuyan niya ang mga taong nagtitinda sa templo, hinagupit ang kanilang mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 25, 2024

 30,767 total views

 30,767 total views 2nd Sunday of Lent Cycle B Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10 Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 20, 2024

 33,523 total views

 33,523 total views First Things First | February 20, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 19, 2024

 33,523 total views

 33,523 total views First Things First | February 19, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 18, 2024

 33,505 total views

 33,505 total views First Things First | February 18, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 18, 2024

 37,006 total views

 37,006 total views Homily February 18, 2024 1st Week of Lent Gen 9:8-15 1 Pet 3:18-22 Mk 1:12-15 Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagpapahalaga ng ating binyag. Minsan lang tayo bininyagan pero ang katotohanan ng binyag ay ating isinasabuhay sa bawat sandali ng ating buhay. Dahil sa binyag, nagkaroon tayo ng bagong buhay. Nakiisa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 17, 2024

 33,505 total views

 33,505 total views First Things First | February 17, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 16, 2024

 33,500 total views

 33,500 total views First Things First | February 16, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 15, 2024

 33,500 total views

 33,500 total views First Things First | February 15, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 14, 2024

 30,794 total views

 30,794 total views First Things First | February 14, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top