Simbahan sa Mindanao, nababahala na sa patuloy na pagbaha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 524 total reads

Abala ang Simbahang Katolika sa Mindanao sa pagtulong sa mga residenteng apektado ng mga pagbaha dahil sa walang tigil na pag-ulan sa ilang lalawigan sa rehiyon.

Sa Diocese ng Butuan sa Agusan Del Norte, 800 relief goods ang ipinamahagi ng Social Action center ng Diocese sa bayan ng La Paz kung saan kinakailangan pang sumakay ng “tug boat” para marating ang mga apektadong pamilya.

Ayon kay Fr. Stephen Brongcano, Social Action director ng nasabing diocese, patuloy silang umaapela ng tulong sa iba pang mga organisasyon ng Simbahang katolika na nais magbahagi ng tulong para mabigyan ang malaking bilang ng mga nangangailangan.

“Patuloy kami nag-appeal sa mga partners natin sa NASSA, sa Veritas, sa Caritas Manila. May parish priest dito nag-ask ng tulong din since December 31 pa last year nag start ang pagtaas ng tubig [sa kanila] and I think it will last for 1 to 2 months.. May mga Barangay na lubog pa at mag continue kami ng food packs ngayon para ma prepare at madala bukas.”pahayag ni Fr. Brongcano.

Kaugnay nito, Aminado si Diocese of Tagum Social Action Director Rev. Fr. Emerson Luego na nababahala sila sa patuloy na pagtaas ng baha sa ilang mga mababang munisipalidad.

Aniya, ilan sa mga bayan ang hirap silang mapasok dahil sa mataas na tubig baha at patuloy na masamang panahon.

“Ngayon continuous yun mga paghahatid natin ng relief goods and at the same time mapuntahan yung mga Parokya kasi kahapon may bayan na kahit saan ka dumaan hindi ka talaga makakadaan sa lalim ng tubig.”giit ni Fr. Luego.

Samantala, kasalukuyan namang kumikilos ang Archdiocese of Cagayan De Oro upang matulungan ang rehabilitasyon ng mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa kanilang lalawigan.

Sa apela na ipinadala ng Archdiocese of Cagayan De Oro sa Caritas Manila, tinatayang aabot sa 11 milyong piso ang kakailanganin pondo upang matulungan ang rehabilitasyon ng may 331 partially damaged houses at 860 totally damaged houses sa 23 barangay sa siyudad ng Cagayan De Oro at Misamis Oriental.

See: http://www.veritas846.ph/12-parokya-nahatiran-na-ng-tulong-ng-diocese-tagum/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,481 total reads

 77,481 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,708 total reads

 155,708 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 189,155 total reads

 189,155 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,452 total reads

 224,452 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,884 total reads

 447,884 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,938 total reads

 111,938 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top