Ibahagi ang sarili sa mga apektado ng baha sa Mindanao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 465 total reads

Hinimok ni Manila Auxillary Bishop Broderick Pabillo ang bawat isa na magtulungan at maging instrumento ng Diyos sa pagpapamalas ng kanyang awa at pagmamahal.

Sa pagtatapos ng ika-4 na World Apostolic Congress on Mercy at kasalukuyan pagdanas ng maraming mga residente sa Mindanao ng pagbaha dulot ng walang patid na pag-ulan, sinabi ni Bishop Pabillo na hindi dapat mawalan ng pag-asa at pananampalataya sa awa ng Diyos.

Paninindigan ng Obispo, palagi nariyan ang awa ng diyos bagamat nakakaranas tayo ng pinsala mula sa mga kalamidad at ito ay isang panawagan para sa mga hindi naapektuhan na tumulong at ibahagi ang sarili sa mga nangangailangan.

“Sana hindi sila mawalan ng pag-asa na ang Diyos ay mahabagin, ibig sabihin makakaahon din sila sa ganitong kalagayan nila at sila’y magtulungan [dahil] sa kanilang solidarity o pagtutulungan maipapadama sa isa’t-isa na hindi sila nag-iisa at ganun din po sa mga taong hindi naapektuhan, ang ating pagtulong sa mga naapektuhan ano mang kalamidad ay pagpapakita ng habag ng Diyos sa mga taong nasalanta ng kalamidad.”pahayag ni Bishop Pabillo.

Magugunitang patuloy ang pag-apela ngayon ng tulong ng iba’t-ibang diyosesis sa Mindanao matapos lumubog sa baha ang maraming kabahayan partikular na sa Cagayan De Oro, Agusan Del Norte, Davao Del Norte at Compostela Valley.

Kasalukuyan na rin ngayon nangangalap ng pondo ang Caritas Manila, ang social Arm ng arkidiyosesis ng Maynila para matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente.

Inihayag ni Caritas Manila executive director Father Anton Pascual na magpapadala ang social arm ng Archdiocese of Manila ng pondo para sa mga fiber glass boat na gagamitin sa rescue at relief operations sa Mindanao.

See. http://www.veritas846.ph/carita-manila-magpapadala-ng-pondo-para-sa-karagdagang-fiberglass-boat-sa-mindanao/

Sa ulat ng United Nations noong taong 2015, ika-apat ang Pilipinas sa mga bansang pinaka-nakararanas ng mga kalamidad sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 73,805 total reads

 73,805 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 152,298 total reads

 152,298 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 185,746 total reads

 185,746 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 221,043 total reads

 221,043 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 444,578 total reads

 444,578 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,918 total reads

 111,918 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top