Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,548 total reads

Mga Kapanalig, tila drama ang nangyaring rigodon sa Senado dalawang araw bago matapos ang second regular session ng 19th Congress. 

Bumaba sa pagiging Senate President si Senador Juan Miguel Zubiri. Pinalitan siya ni Senador Francis Escudero. Hinala ni Senador Zubiri, nabigo raw siyang sundin ang ipinagagawa ng mga nasa itaas o ang “powers that be.” Matapos ang halos dalawang taon, nagpasya siyang bitawan ang kanyang puwesto nang makita ang isang sulat na may pirma ng labintatlong senador na suportado ang pagpapatalsik sa kanya. 

Sa isang panayam, sinabi pa ng dating Senate president na para din daw siyang pinagtaksilan ng ilan niyang kasamahan sa Mataas na Kapulungan. Noong una, pinadalhan pa nila siya ng mga mensahe ng pagsuporta. Ngunit nang malaman niya kung sinu-sino ang mga pumirma sa petisyong nagpapatalsik sa kanya, naging “heartbroken” daw siya. “From full support to no support,” himutok ni Senador Zubiri.

Bagamat itinanggi niya noon ang mga tangkang alisin siya bilang Senate president, inaasahan na raw niyang mangyayari ito. Hindi raw niya kasi sinunod ang gustong mangyari ng mga nagsusulong ng Charter change sa pamamagitan ng people’s initiative. Loyal daw siya kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero sa isyu ng Cha-cha, sinubukan daw niyang payuhan ang presidente. Naniniwala siyang “masama” ang Cha-cha at maaaring maging “umpisa… ito ng kaguluhan.” Nanindigan daw siya sa pagiging independent ng Senado.

Pero natuklasang labinlimang kasamahan pala ni Senador Zubiri ang nanawagan ng pagbibitiw niya. Kasama sa kanila sina Senadora Imee Marcos, ang kapatid ng pangulo, at Senador Ronald “Bato” Dela Rosa. Kung napanood ninyo sa balita, umiiyak pa si Senador Dela Rosa habang nagbibigay ng kanyang privilege speech si Senador Zubiri. Naniwala pa naman daw ang senador na kasangga niya ang loyalista ni dating Pangulong Duterte hanggang sa huli.

Nagpaliwanag naman si Senador Dela Rosa. Napilitan siyang pumirma sa petisyong nagpaalis kay Senador Zubiri dahil ito raw ang kagustuhan ng kanyang partido. Ibinaling din niya ang sisi sa tinaguriang “artista group” sa senado. Sila raw ang nagtulak ng planong palitan si Senador Zubiri matapos niyang tanggihan ang kahilingan ni Senador Ramon Revilla na dumalo sa mga sesyon nang online dahil sa kanyang foot injury. Naku, baka kung saan pa mapunta ang isyu ng pagre-resign ni Senador Zubiri!

Mistulang hindi kaayaayang mantsa ang ganitong mga pangyayari sa mabuti at dalisay na layunin dapat ng pulitika. Ang mga nasa pulitika—gaya ng ating mga mambabatas at senador—ay kabilang sa mga tinawag na maglingkod sa bansa at sa kanilang mga kababayan. Kaya nga itinuturing na bokasyon ang pagpasok sa pulitika. Sabi pa sa Catholic social teaching na Octogesima Adveniens, pinagtitibay ng mga sumiseryoso sa pulitika ang kanilang tungkulin na kilalanin ang halaga ng trabahong iniatang sa kanila. Nagiging tapat sila sa responsabilidad nilang itaguyod ang kabutihan ng bayan.  

Pero kung ang pulitika para sa ating mga pulitiko ay tungkol lamang sa pag-aagawan sa kapangyarihan, masasabi ba nating tunay na pinahahalagahan nila ang tungkuling ipinagkatiwala sa kanila? Kung pagkakampihan, panlilinlang, at pananaksak nang patalikod, ‘ika nga, ang humuhubog sa ugnayan ng mga pulitiko sa isa’t isa, maaasahan ba natin silang magtaguyod ng katotohanan, katarungan, at katapatan? Trabaho, hindi drama, ang unahin sana nila. 

Mga Kapanalig, nagiging marumi ang pulitika sa mata ng taumbayan dahil sa mga pulitikong ginagamit ito para sa makikitid o makasariling interes. Gaya ng paalala sa Mga Gawa 20:28, bantayan sana nila ang kanilang mga sarili at ang buong kawan na inilagay sa kanilang pangangasiwa. Kung hindi nila ito magawa para sa kanilang mga sarili, tayong mga nagluklok sa kanila ang dapat gumawa nito. 

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 45,776 total reads

 45,776 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 93,647 total reads

 93,647 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 197,595 total reads

 197,595 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 283,709 total reads

 283,709 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 351,677 total reads

 351,677 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Troublemaker

 45,777 total reads

 45,777 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 93,648 total reads

 93,648 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 283,710 total reads

 283,710 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »
Scroll to Top