HUWEBES, AGOSTO 1, 2024

SHARE THE TRUTH

 6,404 total views

Paggunita kay San Alfonso Maria ng Ligouri,
Obispo at Pantas ng Simbahan

Jeremias 18, 1-6
Salmo 146, 2abk. 2d-4. 5-6

Mapalad ang kinukupkop
ng Poong Diyos ni Jacob.

Mateo 13, 47-53

Memorial of St. Alphonsus de Ligouri, Bishop and Doctor of the Church (White)

Mga Pagbasa mula sa
Huwebes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Jeremias 18, 1-6

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Sinabi sa akin ng Panginoon, “Magpunta ka sa bahay ng magpapalayok, at may ipahahayag ako sa iyo.” Nagpunta naman ako, at dinatnan ko ang magpapalayok sa kanyang gawaan. Nakita kong kapag ang ginagawa niyang sisidlan ay nasira, minamasa niya uli ang luwad, at hinuhugisan nang panibago.

Pagkatapos, sinabi sa akin ng Panginoon, “Hindi ko ba magagawa sa bayang Israel ang ginawa ng magpapalayok sa luwad na iyon? Kayo’y nasa mga kamay ko, tulad ng luwad sa kamay ng magpapalayok. Akong Panginoon ang may sabi nito.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 146, 2abk. 2d-4. 5-6

Mapalad ang kinukupkop
ng Poong Diyos ni Jacob.

O kaluluwa ko, ang Diyos papurihan!
Pupurihin siya’t aking aawitan;
Aking aawitan habang ako’y buhay.

Mapalad ang kinukupkop
ng Poong Diyos ni Jacob.

Sa mga pangulo’y h’wag kang manghahawak,
Kahit na kaninong di makapagligtas;
Kung sila’y mamatay, balik sa alabok,
Ang anumang balangkas nila’y natatapos.

Mapalad ang kinukupkop
ng Poong Diyos ni Jacob.

Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos
na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob;
sa Diyos na Panginoon, umaasang lubos.
Sa Diyos na lumikha niyong kalangitan,
ng lupa at dagat, at lahat ng bagay.

Mapalad ang kinukupkop
ng Poong Diyos ni Jacob.

ALELUYA
Mga Gawa 16, 14b

Aleluya! Aleluya!
Kami’y iyong pangaralan
upang aming matutuhan
ang Salitang bumubuhay!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 13, 47-53

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Ang paghahari ng Diyos ay katulad din ng isang malaking lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng sari-saring isda. Nang mapuno ay hinila ito sa pampang. At naupo ang mga tao upang pagbukud-bukirin ang mga isda: tinipon nila sa mga sisidlan ang mabubuti, ngunit itinapon ang mga walang kuwenta. Gayun din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig. Darating ang mga anghel at ihihiwalay ang mga makasalanan sa mga banal, at ihahagis ang mga makasalanan sa maningas na pugon. Doo’y mananangis sila at magngangalit ang kanilang ngipin.

“Nauunawaan na ba ninyo ang lahat ng ito?” tanong ni Hesus. “Opo,” sagot nila. At sinabi niya sa kanila, “Kaya nga, ang bawat eskriba na kumikilala sa paghahari ng Diyos ay tulad ng isang puno ng sambahayan na kumukuha ng mga bagay na bago at luma sa kanyang taguan.”

Nang masabi na ni Hesus ang mga talinghagang ito, siya’y umalis doon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Tumugon tayo nang may pananalig sa paanyaya ng Diyos na pumasok sa kanyang Kaharian. Buong kababaang-loob tayong manalangin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, gawin Mo kaming karapat-dapat sa iyong paghahari.

Ang Simbahan nawa’y huwag tumigil sa pagpapahayag ng Ebanghelyo sa lahat ng tao, dako, wika, at kultura, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tao nawa’y huwag manatiling sarado sa nakaugaliang kultura bagkus mapayaman nila ang isa’t isa sa kanilang pananampalataya kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga walang-wala sa mundong ito nawa’y maging mga tagapagmana ng kayamanan ng Kaharian ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinanghihinaan na ng loob dahil sa bigat ng kanilang mga pagsubok at karamdaman nawa’y huwag ipinid ang kanilang puso at bagkus palalimin pa ang kanilang pananampalataya kay Kristo sa dinaranas nilang mga pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay nawa’y tanggapin sa Kaharian ng Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, makibahagi nawa kami sa iyong pag-ibig na bukas sa lahat ng tao, tanggapin mo kaming lahat kasama ng aming kapatid na si Jesu-Kristo ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 38,918 total views

 38,918 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 113,532 total views

 113,532 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 193,611 total views

 193,611 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 236,750 total views

 236,750 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 235,504 total views

 235,504 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Hulyo 18, 2026

 963 total views

 963 total views Sabado ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Mikas 2, 1-5 Salmo 9, 22-23.

Read More »

Biyernes, Hulyo 17, 2026

 2,505 total views

 2,505 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 38, 1-6. 21-22. 7-8 Isaias 38, 10. 11. 12abkd. 16 Buhay ko’y ‘yong iniligtas,

Read More »

Huwebes, Hulyo 16, 2026

 4,045 total views

 4,045 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Salmo 101, 13-14ab at 15. 16-18. 19-21 Mula sa iyong

Read More »

Miyerkules, Hulyo 15, 2026

 5,259 total views

 5,259 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 10, 5-7. 13-16 Salmo 93, 5-6. 7-8. 9-10. 14-15 Ang Poo’y di tatalikod

Read More »

Martes, Hulyo 14, 2026

 5,938 total views

 5,938 total views Martes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Camilo ng Lellis, pari Isaias 7, 1-9 Salmo 47, 2-3a. 3b-4.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top