Green economy, isusulong ng DENR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 448 total reads

Isusulong ng Department of Environment and Natural Resources ang green economy para mas mapaunlad ang Pilipinas.

Ayon kay Environment Secretary Gina Lopez, patutunayan nito na ang makakalikasang bansa ay mas magpapaunlad sa buhay ng mga mahihirap dahil marami ang nalilikha nitong trabaho.

“We will create ecological economic zones where there is respect for nature and value adding in resources, and where people benefit from the resources of the place,” bahagi ng pahayag ng kalihim.

Ito ay sa kabila ng akusasyon ng Chamber of Mines of the Philippines, na tinanggalan ng DENR ng hanapbuhay ang may 1.2-milyong trabahador ng mga mining companies na ipasasara ng ahensya.

Gayunman, iginiit ng kalihim na batay sa pagsusuri ng pamahalaan 234,000 trabaho lamang ang nalikha ng mining industry kumpara sa 4.7 milyong trabaho na naipagkaloob ng turismo simula noong 2004.

Dahil dito, humingi ng palugit ang kalihim na bigyan siya ng isa’t kalahati hanggang dalawang taon at patutunayan nitong mapabubuti ng livelihood programs ng DENR ang kabuhayan ng mga mahihirap nang hindi na sasakripisyo ang kapaligiran.

Read: http://www.veritas846.ph/pagpapasara-sa-mga-mapinsalang-minahan-pinuri/

Ayon sa Social Doctrine of the Church, bagamat pabor ang Simbahan na kumita ang isang mamumuhunan, kinakailangan na ang negosyo nito ay hindi nagdudulot ng pagkasira sa kalikasan o kapahamakan sa kalusugan at buhay ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 18,557 total reads

 18,557 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 52,945 total reads

 52,945 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 89,427 total reads

 89,427 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 107,639 total reads

 107,639 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 191,004 total reads

 191,004 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,617 total reads

 378,617 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top