Biyernes, Oktubre 18, 2024

SHARE THE TRUTH

 3,937 total reads

Kapistahan ni San Lucas, Manunulat ng Mabuting Balita

2 Timoteo 4, 10-17b
Salmo 144, 10-11. 12-13ab. 17-18

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

Lucas 10, 1-9

Feast of St. Luke, Evangelist (Red)

UNANG PAGBASA
2 Timoteo 4, 10-17b

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal, iniwan na ako ni Demas dahil sa pagkahumaling sa bagay na pansanlibutan; siya’y nasa Tesalonica. Nagpunta sa Galacia si Cresente, si Tito nama’y sa Dalmacia. Si Lucas na lamang ang kasama ko. Hanapin mo si Marcos at isama mo dito, sapagkat malaki ang maitutulong niya sa aking mga gagawin. Pinapunta ko sa Efeso si Tiquico. Pagparito mo, dalhin mo ang aking balabal na naiwan ko kina Carpo sa Troas. Dalhin mo rin ang mga aklat ko, lalo na iyong yari sa pergamino.

Napakasama ng ginawa sa akin ni Alejandrong panday-tanso. Ang Panginoon ang magpaparusa sa kanya ayon sa kanyang ginawa. Mag-ingat ka sa kanya sapagkat tutol na tutol siya sa ipinangangaral natin.

Walang sumama sa akin nang una akong humarap sa hukuman. Pinabayaan nila akong mag-isa. Patawarin nawa sila ng Diyos. Ngunit pinatnubayan ako ng Panginoon at binigyan ng lakas upang maipahayag sa mga Hentil ang salita.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 144, 10-11. 12-13ab. 17-18

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

Magpupuring lahat sa iyo, O Panginoon, ang iyong nilalang;
lahat mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang ‘yong kaharian,
at ibabalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

Dakila mong gawa’y upang matalastas ng lahat ng tao.
Mababatid nila ang kadikalaan ng paghahari mo.
Ang paghahari mo’y sadyang walang hanggan, hindi magbabago.

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

Matuwid ang Diyos sa lahat ng bagay niyang ginagawa;
kahit anong gawin ay kalakip doon ang habag at awa.
Siya’y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao
sa sinumang taong pagtawag sa kanya’y tapat at totoo.

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

ALELUYA
Juan 15, 16

Aleluya! Aleluya!
Hinirang tayo ni Kristo
upang mamungang totoo
bilang mabubuting tao.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 10, 1-9

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, ang Panginoon ay humirang ng pitumpu’t dalawa. Pinauna niya sila nang dala-dalawa sa bawat bayan at pook na patutunguhan niya. Sinabi niya sa kanila, “Sagana ang aanihin, ngunit kakaunti ang mga manggagawa. Idalangin ninyo sa may-ari na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang bukirin. Humayo kayo! Sinusugo ko kayong parang mga kordero sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag kayong magdala ng lukbutan, supot, o panyapak. Huwag na kayong titigil sa daan upang makipagbatian kaninuman. Pagpasok ninyo sa alinmang bahay, sabihin muna ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’ Kung maibigin sa kapayapaan ang nakatira roon, sasakanila ang kapayapaan; ngunit kung hindi, hindi sila magkakamit nito. Manatili kayo sa bahay na inyong tinutuluyan; kanin ninyo at inumin ang anumang idulot sa inyo – sapagkat ang manggagawa ay may karapatang tumanggap ng kanyang upa. Huwag kayong magpapalipat-lipat ng bahay. Kapag tinanggap kayo sa alinmang bayan, kanin ninyo ang anumang ihain sa inyo; pagalingin ninyo ang mga maysakit doon at sabihin sa bayan, ‘Nalalapit na ang paghahari ng Diyos sa inyo.’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Oktubre 18
San Lucas

Tapat na kaibigan at kasama ni San Pablo, binigyan tayo ni San Lucas ng isang Ebanghelyong mayaman sa mga salaysay, manalangin tayo sa Ama sa pamamagitan ng mapagmahal na Tagapagligtas na inihayag sa Ebanghelyo ni San Lucas.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, gawin mong pagpaparangal sa Mabuting Balita ang aming buhay.

Ang Simbahan nawa’y gisingin sa mga kasapi nito ang pagkagutom at pagkauhaw sa Tinapay ng Buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nasa propesyon ng panggagamot at ang mga tumutulong sa kanila nawa’y gabayan ng Espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y masiglang makilahok sa gawaing pangmisyon ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y makatanggap ng pagtataguyod at aliw mula sa kanilang pamilya at mga kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makabahagi sa kagalakan ng mga anghel sa kalangitan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, kasama ng mga panalangin ni San Lucas, inilalapit namin sa iyo ang aming mga pangangailangan. Ipagkaloob mo ang mga ito alang-alang sa iyong Anak, ang mapagmahal na Tagapagligtas na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

IT IS NEVER TOO LATE.

 1,135 total reads

Gospel Reading for October 24, 2026 – Luke 13: 1-9

IT IS NEVER TOO LATE.

Some people told Jesus about the Galileans whose blood Pilate had mingled with the blood of their sacrifices. He said to them in reply, “Do you think that because these Galileans suffered in this way they were greater sinners than all other Galileans? By no means! But I tell you, if you do not repent, you will all perish as they did! Or those eighteen people who were killed when the tower at Siloam fell on them– do you think they were more guilty than everyone else who lived in Jerusalem? By no means! But I tell you, if you do not repent, you will all perish as they did!”

And he told them this parable: “There once was a person who had a fig tree planted in his orchard, and when he came in search of fruit on it but found none, he said to the gardener,‘For three years now I have come in search of fruit on this fig tree but have found none. So cut it down. Why should it exhaust the soil?’ He said to him in reply, ‘Sir, leave it for this year also, and I shall cultivate the ground around it and fertilize it; it may bear fruit in the future. If not you can cut it down.’”

————

As long as we live, no matter how old we have become, there is always hope. God always gives us chances and even the capability to change our ways according to how we are meant to be. Being made in his image and likeness, we are meant to project such image and likeness of being good, kind, compassionate, forgiving and everything that characterizes LOVE.

When we try to be what we are meant to be, some of us think we have to exert much effort, as if it is not worth the try. But it becomes this only when we got so used to being the opposite of who we are meant to be. Nevertheless, we need to cultivate and fertilize our lives through constant communication with God in prayer, the sacraments, and in doing charitable works.

The efforts, even if they be great, is worth more than our life on earth is, because it is what will bring us everlasting life with God.

IT IS NEVER TOO LATE.

Lord God, we thank you for always giving us the chance to attain eternal life with you. Amen.

MADALDAL KULANG SA GAWA

 9,687 total reads

Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling din ang kalihim sa pagbibigay ng tip sa mga VIP na nagtatago sa batas.

Dahil malimit magsalita sa media, iniisip ng maraming Pilipino na nagta-trabaho, masigasig., masipag sa trabaho si Remulla.

Di nga ba, ibinahagi nito sa media ang kanilang hakbang nahulihin ang nagtatagong wanted sa flood control projects scam na si Zaldy Co. Tuloy ni anino ng dating partylist representative hindi nakita ng tropa ni Remulla.

Hindi na nga mahagilap si Co sa abroad, kumana na naman si Remulla, alam daw niya ang kinaroroonan o lugar na pinagtataguan ng puganteng si Senador Ronald dela Rosa na wanted sa International Criminal Court at kapwa akusado ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity dahil sa madugong pagpapatupad ng war on drugs.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Remulla na tumanggap siya ng impormasyon dalawang buwan na ang nakalipas sa kinaroroonan ng pugante sa Mindanao. Si dela Rosa daw ay pino-protektahan ng hindi pinangalanang armadong grupo.

Eh bakit hindi ipahuli ni Remulla sa Philippine National Police na nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan si Bato dela Rosa?

Palusot ng kalihim kaya hindi nila mahuhuli ang dating PNP Chief, dadanak daw ang dugo kapag pilit nilang dinakip ang pugante, maari ding mamatay sa sagupaan ang 10,000 mamamayan.

Malakas at napakarami pala ang armadong protektor ni dela Rosa.

Dahil sa pangambang ito, minabuti ng DILG at mga otoridad na i-negotiate ang pagsuko sa Senador.

Kapanalig, bakit kinukonsenti at pinababayaan ng gobyerno na kanlungin si dela rosa ng isang private army? Dapat binubuwag ng pamahalaan ang isang armadong grupo na nagkakanlong sa isang wanted na opisyal.

Minsan nang nalansi at natakasan ni dela Rosa si Remulla sa Senado, hindi pa rin natututo ang kalihim ng DILG.

May standing arrest order kay dela Rosa ang ICC kaugnay madugong war on drugs ng dating pangulong Rodrigo Duterte kung saan tinatayang 12 libo hanggang 30-libo ang namatay at ang Senador ang implementor.

Bakit natatakot ang gobyerno sa mga armadong nagkakanlong kay dela Rosa? Harboring a criminal is crime.

Kapanalig, umaasa tayo na manaig ang peace negotiation sa pagsuko ni dela Rosa upang maiwasan ang madugong komprontasyon.

Sa John 28:36, sinabi ni Hesus kay Pilato “My kingdom is no part of this world. If my kingdom were part of this world, my attendants would have fought that I should not be delivered up to the Jews. But, as it is, my kingdom is not from this source.”

Sumainyo ang Katotohanan.

RENDERED USELESS

 2,129 total reads

Gospel Reading for October 23, 2026 – Luke 12: 54-59

RENDERED USELESS

Jesus said to the crowds, “When you see a cloud rising in the west you say immediately that it is going to rain–and so it does; and when you notice that the wind is blowing from the south you say that it is going to be hot–and so it is. You hypocrites! You know how to interpret the appearance of the earth and the sky; why do you not know how to interpret the present time? “Why do you not judge for yourselves what is right? If you are to go with your opponent before a magistrate, make an effort to settle the matter on the way; otherwise your opponent will turn you over to the judge, and the judge hand you over to the constable, and the constable throw you into prison. I say to you, you will not be released until you have paid the last penny.”

————

The scribes and Pharisees interpreted the Laws of God as they saw fit. Jesus described their behavior very well:

“Woe to you, teachers of the law and Pharisees, you hypocrites! You give a tenth of your spices—mint, dill and cumin. But you have neglected the more important matters of the law—justice, mercy and faithfulness. You should have practiced the latter, without neglecting the former” (Matthew 23:23).

“Woe to you, teachers of the law and Pharisees, you hypocrites! You shut the door of the kingdom of heaven in people’s faces. You yourselves do not enter, nor will you let those enter who are trying to” (Matthew 23:13).

“In the same way, on the outside you appear to people as righteous but on the inside you are full of hypocrisy and wickedness” (Matthew 23:28).

If all of us interpreted laws according to what we wanted or as we saw fit, there would surely be CHAOS, and the law would be RENDERED USELESS.

For Jesus, it is very important that the Law of God be interpreted according to the intent of the One who gave it. Otherwise, the Law of God would be RENDERED USELESS. Since the Law of God is meant to bring peace, order, and happiness into our lives by placing LOVE for God and neighbor above all else, it should not be interpreted otherwise.

Lord Jesus, teach us to love and follow your decrees, knowing that they are the guideposts that will lead us to eternal life. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 9,688 total reads

 9,688 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 97,307 total reads

 97,307 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 144,047 total reads

 144,047 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 191,919 total reads

 191,919 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 295,565 total reads

 295,565 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Oktubre 26, 2026

 1,148 total reads

 1,148 total reads Lunes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 4, 32 – 5, 8 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Lahat kayong

Read More »

Linggo, Oktubre 25, 2026

 3,712 total reads

 3,712 total reads Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Exodo 22, 20-26 Salmo 17, 2-3a 3bk-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. 1

Read More »

Sabado, Oktubre 24, 2026

 5,474 total reads

 5,474 total reads Sabado ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Antonio Maria Claret, obispo o kaya Paggunita sa Mahal

Read More »

Biyernes, Oktubre 23, 2026

 6,681 total reads

 6,681 total reads Biyernes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Juan Capistrano, pari Efeso 4, 1-6 Salmo 23, 1-2.

Read More »

Huwebes, Oktubre 22, 2026

 7,750 total reads

 7,750 total reads Huwebes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Juan Pablo II, papa Efeso 3, 14-21 Salmo 32,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top