Biyernes, Nobyembre 15, 2024

SHARE THE TRUTH

 17,851 total views

Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

2 Juan, 4-9
Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

Lucas 17, 26-37

Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
2 Juan, 4-9

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan

Hirang na Ginang, labis kong ikinagagalak na makitang namumuhay ayon sa katotohanan ang ilan sa iyong mga anak, alinsunod sa utos sa atin ng Ama. At ngayon, Ginang, ako’y may hihilingin sa iyo. Hindi isang bagong utos ang isinisulat ko sa iyo kundi ang dating utos na sa simula pa’y nasa atin na: mag-ibigan tayong lahat. Ito ang utos na ibinigay sa inyo noon pang una: mamuhay kayo ayon sa pag-ibig. At ito ang kahulugan ng pag-ibig na binabanggit ko: mamuhay ayon sa mga utos ng Diyos.

Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga magdaraya – mga taong hindi nagpapahayag na si Hesukristo’y naging tao. Ang gayong mga tao ay magdaraya at anti-Kristo. Mag-ingat nga kayo upang huwag mawala ang inyong pinagpaguran, kundi lubusan ninyong kamtan ang gantimpala.

Ang hindi nananatili sa turo ni Kristo kung nagdaragdag dito, ay hindi pinananahan ng Diyos. Sinumang nananatili sa turo ni Kristo ay pinananahan ng Ama at ng Anak.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

Mapalad ang mga taong malinis ang pamumuhay,
ayon sa utos ng Poon ang gawain araw-araw.

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

Mapalad ang sumusunod sa kaniyang kautusan,
buong puso ang pagsunod sa utos na ibinigay.

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

Buong puso ang hangad ko na ikaw ay paglingkuran,
sa pagsunod sa utos mo, huwag mo akong babayaan.

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

Ang banal mong kautusa’y sa puso ko iingatan,
upang hindi magkasala laban sa ‘yo kailanman.

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

Itong iyong abang lingkod, O Diyos, sana’y pagpalain,
upang ako ay mabuhay at ang utos mo ang sundin.

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

Buksan mo ang paningin ko pagkat nananabik masdan,
yaong buting idudulot sa akin ng iyong aral.

Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.

ALELUYA
Lucas 21, 28

Aleluya! Aleluya!
Naririto, malapit na
ang kaligtasang pag-asa
upang ating matamasa.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 17, 26-37

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Ang pagparito ng Anak ng Tao ay matutulad sa kapanahunan ni Noe. Noon, ang mga tao’y nagsisikain at nagsisiinom, nag-aasawa, hanggang sa araw na sumakay si Noe sa daong. Dumating ang baha at namatay silang lahat. Gayun din noong panahon ni Lot. Ang mga tao’y nagsisikain at nagsisiinom, namimili at nagbibili, nagtatanim at nagtatayo ng bahay. Ngunit nang araw na umalis si Lot sa Sodoma, umulan ng apoy at asupre at natupok silang lahat. Gayun din sa pagdating ng Anak ng Tao.

“Sa araw na iyon, ang nasa bubungan ay huwag nang bumaba upang kunin ang kanyang mga ari-arian sa loob ng bahay. Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi. Alalahanin ninyo ang nangyari sa asawa ni Lot. Ang sinumang magsikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay ay siyang makapagliligtas nito. Sinasabi ko sa inyo: may dalawang lalaking natutulog sa isang higaan sa gabing iyon; kukunin ang isa at iiwan ang isa. May dalawang babaing magkasamang gumigiling; kukunin ang isa at iiwan ang isa. May dalawang lalaking gumagawa sa bukid; kukunin ang isa at iiwan ang isa.” “Saan po, Panginoon?” tanong ng kanyang mga alagad. Sumagot siya, “Kung saan naroon ang mga bangkay, doon naman nagkakatipon ang mga buwitre.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Sa wakas ng panahon, ipadadala ng Diyos ang kanyang mga anghel upang tipunin ang kanyang mga hinirang. Habang ating ipinapanalangin ang pangangailangan ng lahat ng sangkatauhan, hilingin natin sa Diyos na matagpuan niya taong handang humarap sa kanya sa kanyang muling pagbabalik.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, sumaamin nawa ang iyong habag.

Ang Simbahan sa pamamagitan ng kanilang pagsaksi sa kanilang buhay nawa’y higit na makahikayat ng mga tao at mga bansa sa daan ng kaligtasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyanong sumasampalataya nawa’y magpahayag ng kanilang pananampalataya sa buhay na walang hanggan at maunawaan ang walang hanggang bunga ng bawat kilos natin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating sarili nawa’y maihanda natin sa pagdating ng paghahari ng Diyos sa pamamagitan ng tuwinang pamumuhay sa katotohanan, katapatan, at pagmamahal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga biktima ng pag-uusig at pang-aabuso nawa’y makatagpo ng tunay na kagalingan upang makamit nila ang katarungan, kalayaan, at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y bumangong muli sa kaluwalhatian ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, hindi namin alam ang oras ng iyong pagbabalik ngunit umaasa kaming hindi kami pababayaan ng iyong pagmamahal. Gawin mo kaming aktibong umaasa, at nawa’y tanggapin ka namin ngayon sa aming puso. Hinihiling namin ito kay Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 23,357 total views

 23,357 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 197,291 total views

 197,291 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 174,924 total views

 174,924 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 238,212 total views

 238,212 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 256,299 total views

 256,299 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Mayo 28, 2026

 290 total views

 290 total views Kapistahan ng Panginoong Hesukristo, Walang Hanggang at Dakilang Pari (A) Genesis 22, 9-18 o kaya Hebreo 10, 4-10 Salmo 39, 7-8a. 10-11ab. 17 Handa

Read More »

Miyerkules, Mayo 27, 2026

 1,954 total views

 1,954 total views Miyerkules ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin ng Kanterberi, obispo 1 Pedro 1, 18-25 Salmo 147, 12-13.

Read More »

Martes, Mayo 26, 2026

 3,611 total views

 3,611 total views Paggunita kay San Felipe Neri, pari 1 Pedro 1, 10-16 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog

Read More »

Lunes, Mayo 25, 2026

 3,471 total views

 3,471 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan Genesis 3, 9-15. 20 o kaya Mga Gawa 1, 12-14 Salmo 87, 1-2. 3. at

Read More »

Linggo, Mayo 24, 2026

 2,749 total views

 2,749 total views Linggo ng Pentekostes (A) Mga Gawa 2, 1-11 Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34 Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top