Pamilya ng mga biktima ng Oplan Tokhang, hinimok na lumantad at manindigan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 577 total reads

Nanawagan ang Rise Up for Life, Rise Up for Rights sa pamilya ng mga biktima ng drug-related killings at extra-judicial killings na dumalo sa isang forum bukas ika-11 ng Pebrero sa New Manila, Quezon City.

Tatalakayin sa pagtitipon ang mga hakbang at pamamaraan upang bigyang katarungan ang pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay at ipapanawagan ang makataong pagganap ng mga otoridad sa kanilang tungkuling sinumpaan.

Ayon kay Nardi Sabino – Lead Convenor ng grupo, ilang mga psychologist at abugado ang magkakaloob ng kanilang libreng serbisyo upang magabayan ang pamilya ng mga biktima ng War on Drugs ng pamahalaan na makamit ang katarungan sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.

Ganap na ala-una ng hapon magsisimula ang pagtitipon sa number 60, 14th St. New Manila na dadaluhan rin ng ilang mga Pari upang magbigay ng spiritual counseling sa mga dadalo.

“May pagtitipon po yung mga pamilya ng napaslang kaya nanawagan kami sa mga kaparian natin, sa ating mga parokya na yun pong mga lumalapit sa kanila puwede po nilang padaluhin bukas ng ala-una dito po sa may CICM Provincial House at doon po ay meron po tayong mga kapatid na magtatalakay, yung mga psychologist saka po abugado para po paghahanda rin sa mga pwedeng gawin ng mga biktima , ng mga pamilya ng biktima po para sa ganun din po ay manawagan nang pagpapatigil ng mga pamamaslang sa ating bayan…” pahayag ni Sabino panayam sa Radio Veritas.

Sa tala ng PNP, bago suspendihin ang Oplan Tokhang ngayong Enero, tinatayang umaabot na sa higit 7-libo ang napatay, pitong buwan mula ng magsimula ang War on Drugs ng pamahalaan.

Una nang nagpahayag ng lubos na pagkabahala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa umiiral na “reign of terror” sa malaking bilang ng mga napapatay na may kaugnayan sa War on Drugs ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 12,053 total reads

 12,053 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 43,326 total reads

 43,326 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 122,666 total reads

 122,666 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 216,892 total reads

 216,892 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 276,983 total reads

 276,983 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 20,442 total reads

 20,442 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top