Death penalty, huwad na parusa

SHARE THE TRUTH

 248 total views

Umaapela ang Commission on Human Rights (CHR) sa mga mambabatas na mag-isip at magbuo ng iba pang mga paraan upang mapatatag ang kredibilidad ng Justice System sa bansa sa halip na isulong ang pagbabalik sa Death Penalty.

Ayon kay CHR Commissioner Karen Lucia Gomez-Dumpit, hindi maituturing na solusyon ang Death Penalty sa pagpapabilis ng pagkamit ng katarungan sa mga krimen sa lipunan sa halip ay isa lamang shortcut sa pagpapanagot sa mga kriminal.

Giit ni Dumpit hindi solusyon ang Death Penalty upang mabawasan ang kriminalidad sa lipunan sa halip ay huwad na paraan lamang sa pagpaparusa sa mga makasalanan.

“Ang Death Penalty po ay hindi po yan solusyon, hindi po yan mabilis na solusyon ang sinabi ko po sa Senado ay hindi po mapapabilis ang ating panahon sa Korte para ipaglaban ang hustisya porket nandyan na yung Death Penalty, so mag-isip po tayo ng ibang paraan para magkaroon ng justice sa atin…” pahayag ni Gomez-Dumpit sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaisa ng Simbahang Katolika ay naninindigan rin ang CHR na ang pagpapatatag sa Justice System ng bansa para ganap na bigyang katarungan ang mga krimen sa lipunan habang ang maayos na reporma naman sa mga bilanguan ay lubos na kinakailangan upang makapagsisi at makapagbagong buhay ang mga kriminal.

Sa kasalukuyan, batay sa tala ay aabot na sa higit 100-libo ang bilang ng mga bilango sa higit 460 kulungan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa buong bansa.

Gayunpaman, bukod sa parusang kamatayan ay una na ring nagpahayag ng hindi pagsang-ayon ang Kanyang Kabanalan Francisco sa hatol na habang buhay na pagkabilanggo na ayon sa kaniya ay labag sa dignidad ng tao at pagkakataong muling makapagbago.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 32,649 total views

 32,649 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 43,655 total views

 43,655 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 51,460 total views

 51,460 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 67,404 total views

 67,404 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 82,566 total views

 82,566 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 1,235 total views

 1,235 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagtatakip sa katotohanan, isang kasalanan

 6,397 total views

 6,397 total views Naniniwala si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang pagpapaliban o pag-antala sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ay maituturing na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top