Pamilya ng mga biktima ng Oplan Tokhang, hinimok na lumantad at manindigan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 611 total reads

Nanawagan ang Rise Up for Life, Rise Up for Rights sa pamilya ng mga biktima ng drug-related killings at extra-judicial killings na dumalo sa isang forum bukas ika-11 ng Pebrero sa New Manila, Quezon City.

Tatalakayin sa pagtitipon ang mga hakbang at pamamaraan upang bigyang katarungan ang pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay at ipapanawagan ang makataong pagganap ng mga otoridad sa kanilang tungkuling sinumpaan.

Ayon kay Nardi Sabino – Lead Convenor ng grupo, ilang mga psychologist at abugado ang magkakaloob ng kanilang libreng serbisyo upang magabayan ang pamilya ng mga biktima ng War on Drugs ng pamahalaan na makamit ang katarungan sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.

Ganap na ala-una ng hapon magsisimula ang pagtitipon sa number 60, 14th St. New Manila na dadaluhan rin ng ilang mga Pari upang magbigay ng spiritual counseling sa mga dadalo.

“May pagtitipon po yung mga pamilya ng napaslang kaya nanawagan kami sa mga kaparian natin, sa ating mga parokya na yun pong mga lumalapit sa kanila puwede po nilang padaluhin bukas ng ala-una dito po sa may CICM Provincial House at doon po ay meron po tayong mga kapatid na magtatalakay, yung mga psychologist saka po abugado para po paghahanda rin sa mga pwedeng gawin ng mga biktima , ng mga pamilya ng biktima po para sa ganun din po ay manawagan nang pagpapatigil ng mga pamamaslang sa ating bayan…” pahayag ni Sabino panayam sa Radio Veritas.

Sa tala ng PNP, bago suspendihin ang Oplan Tokhang ngayong Enero, tinatayang umaabot na sa higit 7-libo ang napatay, pitong buwan mula ng magsimula ang War on Drugs ng pamahalaan.

Una nang nagpahayag ng lubos na pagkabahala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa umiiral na “reign of terror” sa malaking bilang ng mga napapatay na may kaugnayan sa War on Drugs ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 33,867 total reads

 33,867 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 71,729 total reads

 71,729 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 107,028 total reads

 107,028 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 333,298 total reads

 333,298 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 224,589 total reads

 224,589 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top