Sapat na pagkain sa lahat, prayer intentions ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,584 total views

Inilaan ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV ang kanyang prayer intention ngayong buwan ng Mayo para sa pagkakaroon ng sapat at dekalidad na pagkain para sa lahat.

Layunin ng Santo Papa na ipanalangin ang sama-samang pananagutan ng bawat isa, mula sa mga producer hanggang sa mga mamimili upang maiwasan ang pag-aaksaya ng pagkain at matiyak na lahat ay mayroon sapat na nutrisyon.

Binigyang-diin din ni Pope Leo XIV ang kahalagahan ng malasakit at responsableng paggamit ng mga biyaya ng kalikasan, lalo na sa harap ng patuloy na suliranin ng kagutuman sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

“Let us pray that everyone, from large producers to small consumers, be committed to avoid wasting food, and to ensure that everyone has access to quality food,” panalangin ng Santo Papa para sa buwan ng Mayo.

Muli ring ipinapaalala ng Santo Papa na ang pagkain ay hindi lamang isang pangangailangan kundi isang biyayang dapat pahalagahan at ibahagi, lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Hinihikayat din ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na maging bahagi ng solusyon sa pamamagitan ng responsableng pagkonsumo, pag-iwas sa pag-aaksaya, at aktibong pakikiisa sa mga programang tumutugon sa kagutuman.

Una nang binigyang-diin ng Santo Papa na ang pagkakaisa ng komunidad ay mahalaga upang matugunan ang mga hamon ng lipunan, kabilang ang kawalan ng sapat na pagkain.

Bahagi rin ng panawagan ng Santo Papa ang pagpapaalala na ang Simbahan ay patuloy na kumikilos upang isulong ang katarungan at malasakit, lalo na para sa mga mahihirap at nagugutom.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 39,273 total views

 39,273 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 163,684 total views

 163,684 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 206,267 total views

 206,267 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 284,835 total views

 284,835 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Community pantry, pinalawak ng CMSP

 1,658 total views

 1,658 total views Patuloy ang pagsusumikap ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) para sa programa nitong “CMSP CARES,” na isang community pantry na

Read More »
Scroll to Top