Pagsasabatas sa Rights of Nature bill, panawagan ng AKP sa kongreso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,393 total reads

Nanawagan ang Aksyon Klima Pilipinas (AKP) sa Kongreso na agarang isulong ang Rights of Nature Bill upang kilalanin ang kalikasan bilang may sariling karapatan sa gitna ng lumalalang krisis sa kapaligiran.

Ayon sa grupo, ang panukala—na saklaw ang ilang bersyon ng House Bills—ay maaaring maging makasaysayang batas na magtatama sa matagal nang pagtrato sa kalikasan bilang simpleng pinagkukunan ng yaman.

“Its potential as a landmark piece of legislation… would represent a significant step forward for the Philippines in ecological protection, conservation, and restoration,” pahayag ng AKP.

Binigyang-diin ng koalisyon na napapanahon ang panukala sa gitna ng sunod-sunod na proyekto at imprastrukturang pumipinsala sa kalikasan, kabilang ang flood control project na hindi naging epektibo at pinagmulan pa ng katiwalian.

Ipinaliwanag ng AKP na may batayan ang pagkilala sa karapatan ng kalikasan sa ilalim ng Republic Act No. 11995 o Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS) Act, ngunit kailangan itong palawakin sa pamamagitan ng hiwalay at mas malinaw na batas.

“This means that the enactment of a standalone Rights of Nature Act can be interpreted as expounding on this provision, aligned with maintaining policy coherence,” ayon sa grupo.

Kasabay nito, hinikayat ng AKP ang mas maingat na pagpapatupad ng renewable energy projects sa ilalim ng Renewable Energy Act of 2008, na anila’y dapat nakabatay sa siyensya, konsultasyon, at paggalang sa mga sensitibong ecosystem.

Nagbabala rin ang grupo sa ilang bahagi ng panukala, lalo na sa hindi malinaw na kahulugan ng “commodification,” na maaaring maging hadlang sa pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan para sa pagtugon sa climate change.

“The text must be revised to prevent conflicts… and work in synergy with critical environmental and climate approaches,” saad ng AKP.

Iminungkahi rin ng koalisyon ang pagtatatag ng “ecological hierarchy of needs,” pagpapalawak ng mga “no-go zones” tulad ng protected areas at ancestral domains, at pagbibigay ng proteksyon sa mga environmental defenders laban sa red-tagging.

Para sa AKP, ang pagpasa ng panukala ay hindi lamang reporma sa polisiya kundi isang mahalagang hakbang upang matiyak ang kinabukasan ng kalikasan at ng susunod na henerasyon ng mga Pilipino.

Sa gitna ng panawagan para sa batas na kikilala sa karapatan ng kalikasan, nananatiling paalala ng simbahan, sa diwa ng Laudato Si’ ni Pope Francis, na ang pangangalaga sa daigdig ay isang moral na obligasyon ng sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 57,878 total reads

 57,877 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 154,163 total reads

 154,163 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 198,432 total reads

 198,432 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 221,542 total reads

 221,541 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 294,108 total reads

 294,108 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,025 total reads

 146,025 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top