Kalusugan ng mga residente, nasa panganib pa rin kahit under control na ang sunog sa Navotas landfill

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,271 total views

Nagbabala ang Greenpeace Philippines na nananatiling nasa panganib ang kalusugan ng mga residente sa kabila ng deklarasyong “under control” na ang sunog sa Navotas Sanitary Landfill, makalipas ang halos dalawang linggo mula nang ito ay magsimula.

Ayon sa grupo, ang ganitong uri ng sunog ay hindi agad nawawala at maaaring magpatuloy sa ilalim ng tambak ng basura, na naglalabas ng mapanganib na polusyon.

“Landfill fires don’t simply go out… they can continue burning underground, releasing toxic emissions long after the flames disappear,” pahayag ng Greenpeace.

Ipinaliwanag ng Greenpeace Phiilippines na ang mga usok mula sa nasusunog na basura, lalo na ang plastik, ay naglalaman ng pinong particulate matter at iba pang kemikal na maaaring magdulot ng sakit sa baga, puso, at pangmatagalang epekto sa kalusugan.

Binigyang-diin din ng grupo na hindi iisang insidente lamang ang nangyari, kundi bahagi ng mas malalang suliranin sa pamamahala ng basura sa bansa.

“This is not just about one site. This is already the third landfill disaster this year. Each one exposes the same pattern: a system that waits until waste piles up, then deals with it too late,” ayon sa grupo.

Sinabi ng Greenpeace na ang paulit-ulit na ganitong insidente ay nagpapakita ng kabiguan ng kasalukuyang sistema, kung saan ang mga komunidad ang direktang naaapektuhan—mula sa maruming hangin hanggang sa panganib sa kabuhayan at buhay.

Iginiit ng grupo na bagama’t may umiiral nang mga batas sa waste management, kulang pa rin ang pagpapatupad lalo na sa pagpigil sa produksyon ng plastik mula sa malalaking kumpanya.

Nanawagan din ang organisasyon sa mga kumpanya na bawasan ang produksyon ng single-use plastics at lumipat sa mga sistemang muling paggamit o reuse, na mas epektibong solusyon upang maiwasan ang pagdami ng basura.

“We cannot keep managing waste this way. The government must enforce waste reduction at the source, strengthen policies, and ensure accountability. Corporations must be required to drastically reduce plastic production and shift to systems that do not rely on disposability,” giit ng Greenpeace.

Nanindigan ang grupo na hangga’t hindi tinutugunan ang pinagmumulan ng suliranin, magpapatuloy ang ganitong mga sakuna at mananatiling nalalagay sa panganib ang mga komunidad.

Nauna nang iginiit ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na ang sunog sa landfill ay hindi lamang hiwalay na insidente kundi malinaw na sintomas ng mas malalim at malawak na suliranin sa sistema ng pamamahala ng basura sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 30,682 total views

 30,682 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 52,687 total views

 52,687 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 77,029 total views

 77,029 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 100,641 total views

 100,641 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 134,118 total views

 134,118 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top