Gawin ang gawain na isang hamon, paalala ni Bishop Gaa sa vocation promoters

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,809 total reads

Hinikayat ni Novaliches Bishop Roberto Gaa, pangulo ng CBCP–Episcopal Commission on Vocation, ang mga vocation promoter na pagnilayan ang mas malalim na kahulugan ng discernment sa bokasyon.

Ito ang mensahe ng Obispo sa closing mass para sa pagtatapos ng ika-29 na Directors of Vocations in the Philippines (DVP) National Convention.

Binigyang-diin ni Bishop Gaa na ang bokasyon ay hindi nakabatay sa panandaliang damdamin kundi sa katiyakang tinatawag ng Diyos ang isang tao.

“We do not direct vocation,we only co-discern… Let our work remain challenging. Because when it is challenging, we continue to learn.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Gaa.

Ayon sa Obispo, mahalagang maunawaan na ang papel ng mga tagapagtaguyod ng bokasyon ay hindi ang magbigay ng sagot, kundi maging gabay sa maayos at malayang pag-unawa ng mga tinatawag sa bokasyon.

Ipinaalala rin ni Bishop Gaa ang kahalagahan ng pakikinig bilang mahalagang bahagi ng paghubog sa bokasyon bilang lingkod ng Simbahan.

“It is to listen with the candidate, free from biases, free from our own preferences. It is just to listen to them, to echo their sentiments so they can clearly listen to themselves. So that in the end, they will be able to listen to the voice of God: unhindered, unhampered.” Dagdag pa ni Bishop Gaa.

Samantala, hinamon din ni Bishop Gaa ang mga dumalo na yakapin ang kanilang misyon bilang mga “masters of sacred listening” sa patuloy na paggabay sa mga tinatawag sa paglilingkod sa Simbahan.

Pinangasiwaan ng Archdiocese of Jaro ang ika-29 na Directors of Vocations in the Philippines (DVP) National Convention na nagsimula noong ika-27 hanggang ika-30 ng Abril, 2026 kung saan naihalal bilang bagong DVP National Coordinator si Rev. Fr. Nathaniel G. Gentizon katuwang si Rev. Fr. Ivan Joseph F. Feniquito bilang bagong Assistant National Coordinator & Coordinator for Diocesan Vocations Directors.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 68,616 total reads

 68,616 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 155,115 total reads

 155,115 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 198,150 total reads

 198,150 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 247,909 total reads

 247,909 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 405,797 total reads

 405,797 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top