Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,261 total reads

33rd Sunday of Ordinary Time Cycle B
World Day of the Poor
Dan 12:1-3 Heb 10:11-14.18 Mk 13:24-32

Darating ang malalaking pagbabago sa mundo. Iyan ang nararamdaman natin at iyan ang pinaparamdam sa atin ng ilang mga scholars at ng ilang mga politiko. Nararanasan natin ang climate change. Umiinit ang panahon. Tumitindi ang mga baha. Dumadami ang mga bagyo. Ilang sunod-sunod na mga bagyo na ang dumadating sa Pilipinas. Ang daming mga digmaan at may mga banta na gagamitin ang nuclear bombs. Ang kaso sa West Philippine ay maaaring maging mitsa ng malaking digmaan na kasali ang Tsina, ang Pilipinas, ang America, ang Australia, ang Japan at iba pang mga bansa. Patapos na ba ang mundo? Tinatanong ito ng ilan,ito ba ang pagbabagong darating, pagbabago na dala ng digmaan?

Oo, magtatapos ang mundo. Ito ay sinabi mismo ni Jesus. Kaya narinig natin ang kanyang pahayag na ang mga nakikita nating palaging nandiyan ay magbabago. May pagbabago sa kulay ng buwan, sa mga bituin at pati na sa araw. Oo, mga kapatid, magbabago ang mundong alam natin. Lahat naman ay magbabago. Nakikita natin ito sa kalikasan. Nagbabago ang panahon. May tag-init at may tag-ulan. Sa ating pagmamasid sa panahon, nakikita natin na padating na ang amihan at tapos na ang habagat. Ganoon din, may mga palatandaan na pinapaabot sa atin na may pagbabagong darating. Iyan ba ay ang simoy ng hangin? Ang paghaba ng gabi? Ang dalas ng ulan? Darating nga ang pagbabago. Ang tanong ay: ngayon na ba magtatapos ang lahat? Kailan ito mangyayari?
Sabi ni Jesus na maging handa tayo sa pagtatapos ng mundo pero hindi natin malalaman kung kailan ito darating. Ang Diyos lang ang nakaaalam nito. Pero may isang bagay na maaasahan natin na mananatili – ang Salita ng Diyos! Ang langit at lupa ay maglalaho ngunit ang Salita ng Diyos ay mananatili. Dahil sa ito ay mananatili, ilagay po natin ang ating pag-asa sa Salita ng Diyos. Itaya natin ang lahat dito. Ito lang ang maaasahan natin.

At ano ba ang Salita ng Diyos? Narinig natin sa ating unang pagbasa na mamamatay ang lahat pero ang bawat isa ay gigisingin, ang iba para mabuhay na muli na masaya magpakailanman at ang iba naman para sa walang hanggang kapahamakan. Maniwala tayo. Oo, magwawakas nga ang lahat sa mundong dito, ngunit sa kabila ng wakas na ito ay may bagong kaayusan na darating. Anong bagong kaayusan na mararatnan natin ay nagdedepende kung paano natin isinasabuhay ang kaayusan na mayroon tayo ngayon. Kaya mahalaga ang ngayon natin. Ito ay may kaugnayan sa darating. Ang kabilang buhay ba natin ay mapayapa at masaya, o ito ay nakakakilabot? Depende sa atin iyan – kung paano natin isinasabuhay ang ating ngayon!

Nagsasalita si Jesus sa atin tungkol sa katapusan ng mundo natin ngayong Linggo, hindi upang takutin tayo. Sinasabi niya ito sa atin, at hindi niya itinatago ang katotohanang ito, upang maging handa tayo. Huwag tayo magpabaya, hindi lang ito ang buhay natin, hindi lang ito ang realidad natin. Talaga naman na dumadaan lang tayo sa buhay na ito. Hindi naman ito permanente. Tayo ay naglalakbay lamang dito sa mundong ibabaw. May patutunguhan tayo.

Maganda ang balak ng Diyos sa atin. Napakaganda ang inihanda ng Diyos na gusto niya na maabot natin ito. Kaya itinaya ni Jesus ang kanyang sarili, inalay niya ang sariling buhay niya bilang ating punong pari upang matanggal na ang mga kasalanang humahadlang sa atin sa ating pagpunta doon. Tayo naman, linggo-linggo natin ipinagdiriwang ang pag-aalay ni Jesus sa ating Banal na Misa upang palaging ipaalaala sa atin ang kaligtasan na kanyang binibigay sa atin at bigyan tayo ng sigla at kahandaan sa pagtawid papunta sa bagong mundo na ito.

Ngayong araw ay ang World Day of the Poor, ang pandaigdigang araw ng mga dukha. Ang mga dukha ay huwag nating isantabi at kalimutan. Huwag lang nga natin sila bigyan ng limos at iwanan. Sila ay pahalagahan natin kasi sila ang presensiya ni Jesus. Ang ginagawa natin sa kanila ay ginagawa natin kay Jesus. Sa susunod na linggo ipagdiriwang natin ang kapistahan ni Kristong Hari. Sa wakas ng panahon magiging hayag na ang paghahari ni Kristo. Makikita ng lahat ang tagumpay ni Jesus. Darating na ang pangakong kaligtasan para sa lahat na umaabang dito. Makakalapit tayo kay Kristong hari sa wakas ng panahon kung ngayon tinatanggap natin, pinapahalagahan natin, at tinutulungan natin siya sa mga dukha at lahat na naghihirap. Ano ang ginagawa natin sa mahihirap ay ginagawa natin kay Jesus.

Ang paksa ng World Day of the Poor ngayong taon ay: “Ang panalangin ng mga mahihirap ay umaakyat sa Diyos.” Madalas hindi pinapansin ang boses ng mahihirap sa ating mundo. Pero pinapakinggan ng Diyos ang mga dasal nila. Pinapakinggan din ba natin sila? Ang pasasalamat nila sa Diyos para sa atin dahil natulungan natin sila ay diringgin ng Diyos. Sa wakas ng panahon, doon sa bagong kaayusan na nag-aantay sa atin, ang tatanggap sa atin sa pintuan ng langit ay ang mga mahihirap, mga mahihirap na tinulungan at pinagmalasakitan natin. Huwag na natin ipasabukas ang pagtulong sa mahihirap. Hindi natin alam kailan magwawakas ang mundo natin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 39,364 total reads

 39,364 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 61,454 total reads

 61,454 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 161,271 total reads

 161,271 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 194,598 total reads

 194,598 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 225,709 total reads

 225,709 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily September 27, 2026

 1,150 total reads

 1,150 total reads 26th Sunday in Ordinary Time Cycle A National Seafarers’ Sunday Migrants’ Sunday Ez 18:25-28 Phil 2:1-11 Mt 21:28-32 Ang impiyerno ay puno ng

Read More »

Homily September 20 2026

 14,628 total reads

 14,628 total reads 25th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 55:6-9 Phil 1:20-24.27 Mt 20:1-16 Ang Diyos ay dakila. Ibang iba siya sa lahat. Napakataas

Read More »

Homily September 13, 2026

 13,303 total reads

 13,303 total reads 24th Sunday in Ordinary Time Cycle A National Catechetical Day Sir 27:30-28:7 Rom 14:7-9 Mt 18:21-35 Sa ating pagdarasal ng Ama Namin, ang

Read More »

Homily September 6, 2026

 19,217 total reads

 19,217 total reads 23rd Sunday in Ordinary Time Cycle A Ez 33:7-7 Rom 13:8-10 Mt 18:14-20 Huwag kayong magkaroon ng anumang utang kanino man liban sa

Read More »
Scroll to Top