Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 6,106 total views

Homiliya Para sa Pang-apat na Simbang Gabi, 19 Dis 2024, Lk 1:5-25

Ramdam ko ang pagkainis sa tono ng salita ni anghel Gabriel sa kuwento ng ating ebanghelyo sa araw na ito. Ang trabaho lang naman niya ay magdala ng mabuting balita. Kadalasan ang mahirap ay ang magdala ng masamang balita. Kung ikaw ang messenger siyempre takot ka na baka atakihin sa puso o himatayin ang binabalitaan mo. Paano mo sasabihin—naaksidente ang anak mo habang nagda-drive papuntang trabaho. Isinugod sa ospital dead on arrival.

Pero pwede rin palang mahirapan ang tagapagbalita kahit good news ang dala niya. Nangyayari ito kapag ang taong binabalitaan ay bumigay na dilim ng paghihinagpis. Kapag nawalan na ng saysay ang buhay para sa kanya. Kapag nasanay na siya sa buhay na baog.

Ang salitang “baog” ay hindi lang tungkol sa literal na pagkabaog, katulad ng mga hindi nagkakaanak. Ang mga pari at madre—halimbawa—hindi nagkakaanak hindi naman dahil sila’y baog, kundi dahil pinili naming yakapin ang bokasyon ng pagpapari o pagiging relihiyoso imbes na pag-aasawa. Hindi kami mga baog. Maraming pwedeng ibunga ang buhay ng taong naglilingkod sa Diyos at naglalaan ng sarili para sa kapwa at sa daigdig.

Ang kabaligtaran ng baog ay buhay na mabunga. Kaya ang totoong baog na buhay ay iyung walang naidudulot na kahit anong mabuti sa kapwa at sa mundo. Iyung parang linta kung makipagrelasyon, imbes na magbigay buhay, sumisipsip sa anumang kaunting buhay meron ang iba. Hinuhuthot ang lakas at sigla ng iba. Walang naihahatid na pag-asa, walang naidudulot na pag-unlad, paglaki o pagbabago. Nakababansot.

Hindi naman kasi mga matris lang o mga sex organs ng tao ang pwedeng mabaog at mawalan ng silbi. Mga utak din. Mga pusong wasak, mga nasiraan na ng loob, mga tipong di na lumalaban dahil matagal nang sumuko. Hindi na marunong managinip o mangarap. Ang buhay ay puro kahapon, wala nang bukas kaya wala na ring kasalukuyan. Parang ganoon ang disposisyon ni Zacarias sa ating ebanghelyo.

Parang ganoon din ang disposisyon ng marami sa ating mga kababayan. May mga hindi na nangangarap para sa ating bansa. Para bang masyado nang nasanay sa mga kalamidad hindi lang sa kapaligiran kundi pati sa mga nagpapatakbo ng ating lipunan at pamahalaan.

Marami na sa atin ngayon ang mga tipong wala nang makitang ibang solusyon kundi ang mag-abroad o lisanin ang bansa. Kumbaga sa asawa ng abusive spouse, iyung iba ni hindi na makakalas, nasanay na. Ang dating abused ay di lang nagiging enabler; ang iba nagiging abuser na rin. “If you can’t beat them, join them,” ika nga.

Pero natatandaan ba ninyo ang parable of the fruitless fig tree (talinghaga ng baog na puno ng igos)? Nainis daw ang maylupa dahil nakailang balik na at ni minsan hindi niya ito nakitang nagbunga. Kaya ang mungkahi sa caretaker, sibakin na lang, gawin na lang na panggatong. Pero humirit ang caretaker—bigyan pa daw ng konting panahon. Baka daw kulang lang sa pataba, o sa patubig, o kulang sa araw. Baka kailangan lang konti pang panahon.

Katulad ni Zacarias, minsan kaunting panahon lang ng pananahimik ay sapat na para mapanariwang muli sa alaala ang kagandahang-loob ng Diyos. Katulad niya, minsan kailangan lang nating marinig ang iyak ng susunod na henerasyon. Kailangan lang na mabuksan ang ating mga tenga at puso sa mabuting balita para matauhan sa kilos at galaw ng mapagpalang kamay ng Diyos sa buhay natin.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunay na boses ng kabataan

 8,113 total views

 8,113 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 18,655 total views

 18,655 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

Dadanak ang dugo?

 27,095 total views

 27,095 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 5:5-7, kinasusuklaman ng Diyos ang mga mamamatay-tao, manlilinlang, at sinungaling. Ang ating Panginoon ay Diyos ng katotohanan

Read More »

ICC TRIAL

 43,122 total views

 43,122 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »

REAWAKENING

 50,602 total views

 50,602 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

THE SPIRIT AND US: Partners in Mission

 583 total views

 583 total views Homily for the 6th Sunday of Easter, 25 May 2025 Readings: Acts 15:1–2, 22–29; Revelation 21:10–14, 22–23; John 14:23–29 Thank you all for

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

TEARS

 10,625 total views

 10,625 total views Homily for Mass for the Easter Octave Mass for the Eternal Repose of Pope Francis, Jn 20:11-18 It is the Octave of Easter.

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSALUBONG

 12,983 total views

 12,983 total views Homiliya para sa Paskong Pagkabuhay 2025, Juan 20:1-9 Kung may kakaiba o natatangi tungkol sa Pilipinong pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay, ito ay

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

EKSENANG KARUMAL-DUMAL

 24,957 total views

 24,957 total views Homiliya sa Biyernes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong hapon ng Biyernes Santo, tahimik tayong nagtitipon sa harap ng isang larawang karumal-dumal, ang imahen

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top