83,962 total views
Kapanalig, ang korapsyon ay pangunahing salik o tanikala na pumipigil sa adhikain para matamasa ng Pilipinas at mamamayan nito ang “equitable development at economic prosperity”.
Ang Pilipinas ay nasa ika-115 rank mula sa 80-bansa sa Asia at Pacific sa pinakahuling Corruption Perception Index (PCI) ng Berlin based-Transparency International noong February 2024 kung saan ang mga data ay kinuha sa World Bank at World Economic Forum. Kabilang sa pinagbasehan ng Transparency International ang mga polisiya sa corruption, bribery, diversion of public funds, use of public office for private gain without facing consequences, kabiguan ng pamahalaan na makontrol ang korapsyon at malawakang red tape. Kabilang din ang nepotistic appointment sa civil service, laws on disclosure of finances, conflict of interest,legal protection sa mga whistle blower,state capture by narrow vested interest at access to information on public affairs at government activities, mahinang justice system… Sa Pilipinas laganap na ang “corruption impunity”.
Matapos ang COVID-19 pandemic, nasa sentro na naman ng kontrobersiya ang Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) kaugnay sa maling paggamit (mishandling) ng multi-bilyong pisong kontribusyon ng mga miyembro. Sa kabila ng napakalaking kontribusyon at pondo ay nanatiling limitado ang access ng maraming Filipino sa abot-kayang medical services. Nabigo ang Philhealth na palawakin ang mga benepisyo at bawasan ang malaking premium (5-percent) na binabayaran ng mga miyembro nito at kanilang employers. Natuklasan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ang 24-bilyong pisong Special Allotment Release Order (SARO) na para sa pagpapalawak ng mga benepisyo ng mga miyembro kabilang na ang Konsulta Package ay hindi nagagalaw o nagamit ng PHilhealth. Dahil nagdesisyon ang Bicameral Conference Committee ng Kongreso na tuluyang alisin ang 74.631-bilyong pisong subsidy sa PHilhealth. Iniimbestigahan din ng Kongreso ang kabiguan ng Philhealth na bayaran ang mga partner hospital sa oras kaya napipilitan ang ilan sa kanila na maglagay para lamang makasingil.
Noong taong 2020, pinuna ng Commission on Audit ang double o multiple entries sa data base ng Philhealth na kinabibilangan ng 266,665 entries na nagkakahalaga sa 1.3-bilyong pisong subsidies na hindi pa rin naayos ng ahensiya.
Taong 2024 meron na namang kamalian ang PHILHEALTH;, nadiskubre ng Commission on Audit (COA) na 1,335,274 senior citizens sa data base ng Philhealth ay mayroong data error kung saan 250,000 pangalan ang naitala ng doble at 4,000 ang namatay na pero nasa listahan pa rin. Nagkakahalaga ito ng 1.33-bilyong pisong government subsidy na dapat ibayad sa Philhealth dahil ang mga senior citizen ay exempted sa pagbabayad ng kontribusyon… Kapanalig, bilyun-bilyong piso na naman ang nawaldas. Naberipika ng COA sa 250-hospital at clinics na ang mga miyembro na namatay noong 2019 hanggang 2022 ay nasa data base pa rin at naka-billed sa Department of Budget and Management (DBM) noong taong 2023…Kainaman mga Kapanalig, sobra-sobra na ang pagkagahaman sa pera ng taumbayan., Bilang miyembro ng Philhealth, karapatan natin malaman kung saan ginastos,ginamit ng mga namumuno ang pinagpawisang kontribusyon ng mga miyembro.
Tinukoy sa Corruption Perception Index (CPI) ng Transparency International ang apat na uri ng corruption sa Pilipinas..Una (1) Influence Market Corruption kung saan ginagamit ng mga pulitiko ang impluwensiya para mamagitan(middlemen) sa mga negosyante at mayayamang indibidwal; Pangalawa(2) ang Elite Cartel Corruption kung saan nagkukutsabahan ang mga elite upang protektahan ang economic at political advantages; Pangatlo ang Official Mogul corruption kung saan ang mga business tycoon o kanilang kliyente ay mga kilalang pulitiko. Pang-apat (4) ay Oligarch Clan Corruption kung saan hindi mo malaman kung sino ang pulitiko at sino ang negosyante tulad ng mga Aquino,Binay,Dutertes,Roxases at Marcoses.
Sa kanyang angelus message noong September 18,2022., sinabi ni Pope Francis na “Brothers and sisters … in our world today there are stories of corruption like in the Gospel: dishonest conduct, unfair policies, selfishness that dominates the choices of individuals and institutions, and many other murky situations. But we Christians are not allowed to become discouraged, or worse, to let go of things, remaining indifferent,”
Sinasabi sa Luke 19:45-46, Jesus went into the temple and began to drive out those who bought and sold in it, saying “It is written, ‘My house is a house of prayer, but you have made it a den of thieves.“
Kapanalig, kawawa na naman tayong mga ordinaryong miyembro ng Philhealth dahil kontribusyon para sa ating malusog na kalusugan ay pinagpapasasaan lamang ng mga nangangasiwa sa pondo.
Sumainyo ang Katotohanan.