58,966 total views
Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino?
Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election, tinawag nila itong national reawakening. Naitala sa nakalipas na halalan ang 81-percent na voter’s turnout, ito ang pinakamataas matapos ang EDSA-era na nagresulta sa “seismic shift” sa gawi ng mga botante, alyansa pulitikal at kalagayan ng pulitika sa bansa. Sa unang pagkakataon, nagkamali ang mga election survey… Nanindigan ang mga kabataan, ang mga walang boses na mamamayan. Sinasabi ng mga political analyst na ang resulta ng 2025 midterm elections ay magtatakda ng panibagong electoral cycle sa 2028 national elections.
Hindi lamang nagising ang mga botanteng Pilipino Kapanalig, pinagnilayan ng marami kung sino ang karapat-dapat na iboto… Nanindigan ang maraming botanteng Pilipino sa kakayahan hindi sa panggulo lamang…pinili ng mga Pilipino ang plataporma kaysa pekeng palabas o kuwestiyunableng karakter. 90-porsiyento sa mga kumandidatong artista sa nasyunal, partylist at lokal na posisyon ay natalo.
Ang resulta ng 2025 midterm election Kapanalig ay patunay ng pagguho Duterte brand in real time dahil sa mga eskandalo, kinakaharap na mga kaso at unti-unting paglaho ng suporta ng mga Pilipino. Nabigo si Vice President Sara Duterte na mailatag ang kanyang national agenda, ang kanyang kuwento. Sinasabing ang mga botanteng Pilipino ay naghahangad… naghahanap ng mga kandidatong mayroong moral leadership.
Sa nagdaang halalan, medyo nakabawi ang “Pink movement”..nagbunga din ito ng bagong sibol na mga botante lalu na sa mga kabataan at first time voters.. Ang mga tinaguriang “digital natives” na ito ay hindi naiimpluwensiyahan ng mga gimik at palabas ng mga kandidato… hindi natitinag sa mga ingay, mahalaga sa kanila ang competence o kakayanan., unti-unti nilang binabago ang bulok na sistemang pulitikal sa bansa… kumikilos ng walang ingay, tuloy-tuloy ang pagsusulong na baguhin ang nagawian na..Sumisibol na Kapanalig ang “moral voter energy”… basag na ang Marcos-Duterte bloc… Sa 2028, hindi na malinaw kung sino ang hari, hindi na tiyak kung sino ang magiging pangulo ng Pilipinas.
Kapanalig, sa kabila ng mga positibong obserbasyon na ito… Hindi pa rin natin nababanaag ang liwanag… marami pang hadlang upang makamit natin ang “voters maturity”. Mayroon ng konting pag-asa… Ang nakakalungkot lamang… hinahayaan nating mga botante ang paghahari ng “political dynasty”… Ang dinastiya ng mga magkakamag-anak sa mga posisyon sa pamahalaan ang ugat ng kahirapan sa bansa..Hindi sila para sa mamamayan… sila ay para lamang sa interes ng pamilya…pinagsisilbihan ang sarili.. Kapanalig, tayo ang simula upang makaahon naman tayo sa kamangmangan.. sa kahirapan.. sa tanikala ng mga political dynasty.
Kapanalig, ipinaalala sa atin Pope Benedict XVI na ang tamang pagsasabuhay ng demokrasya ay pinaka-mabisang paraan upang patatagin ang kinabukasan at kapakanan ng sangkatauhan.
Sinabi din ni San Juan Pablo II na ang demokrasya na walang kabutihang pinanghahawakan ay pangkukubli sa diktadurya.
Kapanalig, ating isapuso ang “Proverbs 29:2” na nagsasabing “When the righteous thrive, the people rejoice; when the wicked rule, the people groan”. Ihalal ang tunay na servant leader”.
Sumainyo ang katotohanan.