8,450 total views
Inaanyayahan ng Office for the Promotion of New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya sa ika-11 yugto ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE).
Nakatuon ang PCNE XI sa temang ‘Padayon: Synodal Witnessing of the Faith’ na hango sa ebanghelyo ni Apostol San Juan kabanata 20 talata 21 na layuning bigyang halaga ang sama-samang paglalakbay bilang Kristiyanong pamayanan.
Nakatakda ang PCNE XI sa July 18 hanggang 20, 2025 sa University of Santo Tomas.
Bilang paghahanda sa nakatakdang ika-11 yugto ng PCNE ay binuksan na ng Office for the Promotion of New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila ang registration period mula noong ika-21 hanggang ika-31 ng Mayo, 2025 para sa early bird registration habang magsisimula naman ang regular registration mula June 1 hanggang 30, 2025 sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa tanggapan.
Unang isinagawa ang PCNE noong 2013 sa pangunguna ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle ang Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization na noo’y ang arsobispo ng arkidiyosesis bilang tugon sa panawagang New Evangelization ng Simbahang Katolika.