Pope Leo XIV, pinuri ng SCMP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,993 total reads

Naglabas ng pahayag ang Student Christian Movement of the Philippines kaugnay sa unang encyclical ni Pope Leo XIV na “Magnifica Humanitas,” kung saan pinuri ng grupo ang matibay na paninindigan ng Santo Papa para sa katarungang panlipunan, dignidad ng tao, at responsableng paggamit ng artificial intelligence o AI.

Ayon sa SCMP, malinaw na ipinagpapatuloy ni Pope Leo XIV ang panlipunang katuruan ng Simbahan na isinulong nina Pope Leo XIII at Pope Francis sa pamamagitan ng pagtugon sa mga “signs of the times” batay sa Ebanghelyo at pagtatanggol sa dignidad ng tao.

Binigyang-diin din ng grupo ang bahagi ng encyclical na tumatalakay sa AI, kung saan sinabi ng Santo Papa na hindi neutral ang teknolohiya kundi naaapektuhan ng kapangyarihang pang-ekonomiya at interes ng malalaking pribadong kumpanya.

Pinuri rin ng SCMP ang panawagan ng Santo Papa na protektahan ang karapatan at dignidad ng mga manggagawa, at tiyakin na hindi nauuwi sa pagsasamantala at pagkakait ng makataong kondisyon sa paggawa ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya.

“The Student Christian Movement of the Philippines is elated with the release of Pope Leo XIV’s first encyclical, entitled Magnifica humanitas or Humanity in its grandeur, published on May 25, 2026. Retelling the journey of the church’s social doctrine throughout history is a renewed commitment to social justice, an intrinsic thrust that the year-old Pontificate aims to continue to emulate. Pope Leo XIV draws heavily from both Pope Leo XIII and Pope Francis in the dedication to read and act upon the ‘signs of the times’ in light of the Gospel, with the church seen as part of society.” Bahagi ng pahayag ng SCMP.

Ipinahayag din ng grupo ang pagsuporta sa panawagan ni Pope Leo XIV na “disarmahan” ang AI mula sa paggamit nito sa digmaan, disinformation, at iba pang mapanirang layunin.

Kaugnay nito, binigyang-pansin din ng SCMP sa limang pahinang pahayag nito na may titulong “ON POPE LEO XIV’S FIRST ENCYCLICAL MAGNIFICA HUMANITAS Reflections, Reaffirmations, and Responsibilities” ang panawagan ng Santo Papa para sa mas makatarungan at makataong sistema ng edukasyon, partikular sa harap ng mga suliranin sa access at kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

Ayon pa sa grupo, mahalagang isabuhay ng mga Kristiyano ang diwa ng pagkakaisa, pakikipagkapwa, at pagtatanggol sa karapatang pantao lalo na ng mahihirap at mga nasa laylayan ng lipunan.

Hinimok naman ng SCMP ang mga kabataang Kristiyano na huwag manatili sa pagbabasa lamang ng encyclical kundi aktibong makibahagi sa pagsusulong ng katarungan, kapayapaan, at tunay na pagbabago sa lipunan bilang konkretong pagsasabuhay ng “Magnifica Humanitas.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 23,490 total reads

 23,490 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 108,937 total reads

 108,937 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 146,310 total reads

 146,310 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 177,569 total reads

 177,569 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 249,386 total reads

 249,386 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 33,162 total reads

 33,162 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top