Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 66,667 total reads

Kapanalig, noong 2013 winakasan na ng Supreme Court ang paglustay ng mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan sa pera ng taumbayan nang ideklara na iligal at unconstitutional ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o sinasabing congressional pork barrel.

Pero hindi pa dead, tuloy-tuloy ang biyaya ng pork barrel Kapanalig, ang pork barrel system ay intact na naman sa inaprubahang 2025 General Appropriations Act (GAA) na nagkakahalaga ng 6.326-trilyong piso. Para hindi mahalata, sa nilagdaang GAA 2025 ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,–194-bilyong piso dito ay nai-veto ng pangulo.

26.065-bilyong pisong cut sa budget ng DPWH;, 96-bilyong piso sa PHILHEALTH; P74.4 billion para Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), at P10 billion para computerization program of the Department of Education (DepEd).

Inalis sa GAA 2025 ang 194-bilyong pisong budget para sa essentials program pero Kapanalig, idinagdag naman sa national budget ang unprograms items na nagkakahalaga ng 373-bilyong piso..Magaling diba?

Ang matindi pa sa isinabatas na GAA 2025, pinapayagan dito ang Deparment of Finance (DOF) na tumukoy… mag-identify ng sinasabing “idle funds” o excess funds na gamitin para pondohan ang mga unprogram items sa GAA.

Kapanalig, ang unprogrammed funds ay sinasabing budget insertions para sa mga Congressman at Senador…Nakasaad sa Article VI, Section 25 ng 1987 constitution: “Congress may not increase the appropriations recommended by the President for the operations of government as specified in the budget proposal.”

Tinawag ni dating Senate President Franklin Drilon na ang mga unprogrammed activities sa GAA 2025 ay cosmetic lamang.

Inalisan ng pangulong Marcos ng pondo ang health services, edukasyon at flood control projects sa halip ay binigyang prayoridad ang AKAP na isang doleout program na ginagamit ng mga pulitiko para bilhin ang suporta ng mga mahihirap na Pilipino.

Tinagurian ng mga kritiko ang GAA 2025 na “pro-politician,anti-people at misguided priorities ng pangulong Marcos at mga mambabatas.

Kapanalig, tiwala tayo na ang national budget ay malinis sa mga programa na nagsusulong ng patronage politics at pork barrel. Pero as usual… naisahan na naman tayo.

Ipinapaalala sa atin ng (Corinthians 5:10) “For we must all appear before the judgment seat of Christ, so that each of us may receive what is due for the things done while in the body, whether good or bad.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 67,367 total reads

 67,367 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 99,693 total reads

 99,693 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 201,519 total reads

 201,519 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 242,077 total reads

 242,077 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 259,794 total reads

 259,794 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 67,368 total reads

 67,368 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 99,694 total reads

 99,694 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 201,520 total reads

 201,520 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 242,078 total reads

 242,078 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top