Madreng nagsusulong ng restorative justice sa mga bilanggo, pumanaw na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,129 total reads

Pumanaw na si Sr. Zeny Cabrera ng Sisters of the Holy Eucharist makaraang ang ilang araw na pananatili sa pagamutan.

Ayon sa kongregasyon, pumanaw ang madre kaninang 5:10 ng madaling araw sa Commonwealth Hospital.

Una na ring isinugod sa hospital si Sr. Cabrera noong Sabado ng umaga, makaraang atakihin sa puso na nakaapekto sa kaniyang utak at ilang araw na nasa comatose.

Kilala ang madre sa kanyang pagmimisyon na mangalaga sa mga person’s deprived of liberty o PDL at kasalukuyang coordinator ng Caritas Manila Restorative Justice Ministry.

Layunin ng kanyang misyon ang mabigyang pagkakataon sa mga bilanggo na magbago, muling tanggapin sila sa kanilang pamilya at komunidad, at maging mga produktibong miyembro ng lipunan.

Una na ring inihayag ni Sister Cabrera na ang karisma ng kanilang kongregtasyon ay ihanda ang paghahanda ng hapag sa Panginoon para sa mga bilanggo na ayon sa kultura ng ‘Salu-salo,’ na isang tradisyong Pilipino ng pagsasama-sama sa hapag-kainan kasama ang mga kaibigan at pamilya.

Itinuon ng madre ang higit sa 20 taon ng kaniyang paglilingkod sa pangagalaga sa mga bilanggo katuwang ang Archdiocese of Manila at Sisters of the Holy Eucharist na nakabase sa Diocese ng Novaliches.

Sa kasalukuyan ay wala pang detalyeng inilalabas ang kongregasyon kaugnay sa paglalagakan ng labi ng namayapang madre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 125,232 total reads

 125,232 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 200,580 total reads

 200,580 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 234,029 total reads

 234,029 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 269,327 total reads

 269,327 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 490,956 total reads

 490,956 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top