Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ceasefire sa mga lugar na apektado ng lindol, pinuri

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 553 total views

Pinuri ng Simbahang Katolika at Malacanang ang pagdideklara ng New People’s Army ng temporary ceasefire sa mga lugar na naapektuhan ng 6.7 magnitude na lindol sa Surigao del Norte at Agusan del Norte.

Inihayag ni PCO Secretary Martin Andanar na kailangan ang Armed Forces of the Philippines para umagapay at tumulong sa isinasagawang damage assessment, rescue, evacuation at rehabilitation activities sa mga apektadong lugar.

Umaasa ang Kalihim na tunay na mapaninindigan ng armadong grupo ang kanilang idineklarang temporary ceasefire upang matutukan ng pwersa ng pamahalaan ang pagpapadala ng agarang tulong sa mga naapektuhan ng lindol.

Dagdag pa ng Kalihim, mas kinakailangan sa kasalukuyan ang pagkakaisa ng bawat mamamayang Filipino at pansamantalang pagsasantabi ng ilang mga personal na interes upang matulungan ang mga lubos na nangangailangan.

Patuloy naman ang panawagan ng tulong ng Caritas Manila at Diocese of Surigao para sa mga apektado ng lindol na dumadaing sa kasalukuyan ng kawalan ng ayudang pagkain at inuming tubig.

Ang Caritas Manila ay umaapela ng cash at in-kind donations para sa pangangailangan ng mga biktima ng lindol sa Surigao del Norte.

Para sa cash donations, maari itong gawin online sa pamamagitan ng http://ushare.unionbankph.com/caritas o maaring i-deposit sa Banco De Oro savings account number 5600-45905; Bank of the Philippine Islands savings account number 3063-5357-01; at Metrobank savings account number 175-3-17506954-3.

Maari ding magdeposit sa Caritas Manila dollar accounts: Bank of the Philippine Islands savings account number 3064-0033-55 with SWIFT code BOPIPHMM; Philippine National Bank savings account number 10-856-660002-5 with SWIFT code PNBMPHMM.

Puwede ding ipadala o idaan sa Cebuana Lhuillier ang donation ng libre o maaring i-dropped off Caritas Manila office, 2002 Jesus St., Pandacan, Manila o maging sa Radio Veritas office corner of West Avenue and Edsa, Quezon City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 74,983 total views

 74,983 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 142,471 total views

 142,471 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 163,536 total views

 163,536 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 184,546 total views

 184,546 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 215,815 total views

 215,815 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top